Home Headlines Kaso ng leptospirosis tumaas

Kaso ng leptospirosis tumaas

771
0
SHARE
A rat in 2010.

(Photo grabbed from web)

LUNGSOD NG MALOLOS —Tumaas ang kaso ng leptospirosis sa lalawigan ng Bulacan nitong nakaraang dalawang buwan magmula nang magsimula ang pag-ulan at makaranas ng pagbaha ang ilang bayan sa lalawigan.

Ayon kay Brian Bernard Alfonso, disease surveillance officer ng Bulacan Provincial Health Office, naitala ang 11 kaso ng suspected leptospirosis sa siyam na bayan sa lalawigan, ang una nitong ika-30 ng Hunyo at ang pinakahuling naitala ay nitong unang linggo ng Agosto.

Ito kasi aniya ang mga panahon na nakaranas ng pagbaha sa lalawigan dahil sa mga bagyuhan at habagat.

Dalawa ang naitala sa bayan ng Balagtas at dalawa sa bayan ng San Ildefonso, habang tig-iisang kaso ang mga bayan ng Baliwag, Guiguinto, Hagonoy, Marilao, Plaridel, San Jose Del Monte at San Miguel.

Sampung kalalakihan ang nabiktima at isa ang babae. Nasa edad na 21 hanggang 60 ang mga nabiktima ngunit nasa 36 porsiyento ng mga nabiktima ay nasa edad na 21-30 anyos.

Ito daw kasi ang mga edad na naoobligang lumusong sa tubig sa kabila ng pagbaha dahil ito ang mga nasa edad ng nagsisipagtrabaho. Wala namang naitala na namatay sa 11 nasabing kaso.

Paalala ng PHO na iwasan na lumusong sa baha lalo na kung may sugat.

Namimigay naman daw sila ng gamot gaya ng prophylaxis sa mga lugar na apektado ng pagbaha para maiwasan ang pagkakasakit na dala ng ihi ng daga.

At agad aniyang magpatingin sa duktor kung makaranas ng sintomas ng naturang sakit upang ito ay maagapan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here