Home Headlines Kaso laban sa kagawad idinulog ng 4 mediamen sa Malacañang

Kaso laban sa kagawad idinulog ng 4 mediamen sa Malacañang

670
0
SHARE

(Tinanggap ni Usec. Joel Sy Egco ang sinumpaang salaysay ng apat na mga mamamahayag mula sa Bulacan laban kay kagawad Arnel Gonzales ng Barangay Bulihan, Plaridel bilang paghahanda sa pormal na paghahain ng reklamo sa tamang hukuman. Kuha ni Rommel Ramos)

LUNGSOD NG MALOLOS — Pormal nang idinulog sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ng apat na mediamen mula sa Bulacan ang reklamo laban sa isang opisyal ng barangay sa bayan ng Plaridel dahil sa mga kasong slander by deed, grave oral defamation, unjust vexation at grave threat.

Tinanggap ni PTFOMS Usec. Joel Sy Egco ang sinumpaang salaysay nina Jose Erwin Bunag (GMA stringer’s cameraman), Isagani Navarro (GMA stringer’s assistant cameraman), Louie Angeles (reporter ng DWIZ) at Ricardo Mirasol III (correspondent ng Remate) laban kina Arnel Gonzales’ kagawad ng Barangay Bulihan, Plaridel at isang hindi pa napangalanang lalake.

Ang kaso ay idinulog sa PTFOMS upang dalhin naman sa Department of Justice nang sa gayon ay hindi umano maimpluwensyahan o mabatikan ng pulitika ng nasabing kagawad ang kaso kung direkta itong ilalatag ng apat na mamamahayag sa bayan ng Plaridel kung saan nanunungkulan ang inirereklamo.

Ayon sa salaysay ng apat na biktima, sila ay nakaranas ng pangha-harass, panghihiya, pagmumura, pananakit, pag-agaw sa camera at pagbabanta sa kanilang buhay habang ginagawa ang trabaho bilang mga mamamahayag noong ika-24 ng Setyembre dahil sa reklamo ng ilang residente sa Barangay Bulihan sa mabahong amoy ng mga inilibing na baboy kaugnay ng isyu ng African swine fever.

Bukod sa kasong kriminal ay nakahanda ding magsampa ng kasong administratibo ang apat laban kay Gonzales.

Nauna nang nagharap ang mga ito sa tanggapan ng PTFOMS at doon ay humingi ng tawad si Gonzales ngunit hindi ito pinagbigyan ng apat sa pangambang ito ay maging bad precedent at maaring maulit pa sa ibang pagkakataon.

Anila, kailangang protektahan ang seguridad hindi lamang silang mga nagrereklamo kundi maging ang interes ng lahat ng mamamahayag sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here