Magtatag ka ng karera ng kabayo,
Panonoorin yan ng maraming tao;
Pero baligtarin po natin siguro
Ni isa ay walang manonood piho!
Pagkat gaano man nga po kapopular
Itong taong sa karera’y maglalabaan,
Ay saan na tayo nakabalita riyan
Na may nanood na kabayo sa ganyan?
Ya’y taliwas kasi sa naturalesa
At ito’y pang-‘Ripley’s Believe It or Not’ na;
Pagkat likas lang sa ‘daigdig’ po nila
Ang walang pakialam sa buhay ng iba.
Di gaya ng tao, partikular na riyan
Ang mga kilalang tao sa lipunan;
Yan masamid lang ay pinag-uusapan
Na ng ibang walang magawa kung minsan.
Tulad na lang nitong anila’y gumastos
Ang Pangulong Gloria ng milyones halos
Sa pagkain n’yan sa Estados Unidos,
Yan kaya’y magiging ‘headline’ pa o ‘big news’?
Kung di kilala o popular na tao
Itong nag-hapunan lang yata diumano
Ay umabot yata ng ‘sang milyong piso
Puera pa sa ibang kinainan nito?
Kasama ang ilang ka-alyado niya
Na di matukoy kung sino po talaga
Ang nagbayad, kasi ay unahan sila
Sa pag-amin nang yan ay inurirat na!
At napabalita ang naturang isyu
Partikular na sa Amerika mismo;
Kung saan posibleng reporter din dito
Sa United States ang nagbulgar nito!
Pero kung ya’y karaniwang tao lamang
Na katulad lang ng ibang mayayamang
Di naman gaanong lubhang popular d’yan,
Papansinin ba ng kahit sino po r’yan?
(At kahit ano pang putahe ang hingin
At ang presyo’y higit pa po sa kinain
Ng ‘entourage’ ni Mam, kung ating ihambing,
My maririnig ba kahit ni katiting?)
Sa ganang amin ay bilang Presidente
Tama lang ang siya’y sa isang disente
At medyo ika nga ay may sinasabi
Itong kinainan ng ‘entourage’ pati;
Pero sana naman di na nakigaya
Ang kasama n’yan sa pag-order kumbaga
Ng kung anong mamahaling inumin pa
Na di lamang libong dolyar ang halaga.
At naisip nilang sila’y “public figure”
O di karaniwang taong nagtungo r’un,
Na walang sisita kapag nagkataong
Sila’y nakagawa ng palpak na aksyon!
Sabihin na nating sa sariling bulsa
Ng isa sa inyo nanggaling ang pera,
Pero ang sukli n’yan ay lalayo pa ba
Sa kung anu-anong klaseng anomalya?
Panonoorin yan ng maraming tao;
Pero baligtarin po natin siguro
Ni isa ay walang manonood piho!
Pagkat gaano man nga po kapopular
Itong taong sa karera’y maglalabaan,
Ay saan na tayo nakabalita riyan
Na may nanood na kabayo sa ganyan?
Ya’y taliwas kasi sa naturalesa
At ito’y pang-‘Ripley’s Believe It or Not’ na;
Pagkat likas lang sa ‘daigdig’ po nila
Ang walang pakialam sa buhay ng iba.
Di gaya ng tao, partikular na riyan
Ang mga kilalang tao sa lipunan;
Yan masamid lang ay pinag-uusapan
Na ng ibang walang magawa kung minsan.
Tulad na lang nitong anila’y gumastos
Ang Pangulong Gloria ng milyones halos
Sa pagkain n’yan sa Estados Unidos,
Yan kaya’y magiging ‘headline’ pa o ‘big news’?
Kung di kilala o popular na tao
Itong nag-hapunan lang yata diumano
Ay umabot yata ng ‘sang milyong piso
Puera pa sa ibang kinainan nito?
Kasama ang ilang ka-alyado niya
Na di matukoy kung sino po talaga
Ang nagbayad, kasi ay unahan sila
Sa pag-amin nang yan ay inurirat na!
At napabalita ang naturang isyu
Partikular na sa Amerika mismo;
Kung saan posibleng reporter din dito
Sa United States ang nagbulgar nito!
Pero kung ya’y karaniwang tao lamang
Na katulad lang ng ibang mayayamang
Di naman gaanong lubhang popular d’yan,
Papansinin ba ng kahit sino po r’yan?
(At kahit ano pang putahe ang hingin
At ang presyo’y higit pa po sa kinain
Ng ‘entourage’ ni Mam, kung ating ihambing,
My maririnig ba kahit ni katiting?)
Sa ganang amin ay bilang Presidente
Tama lang ang siya’y sa isang disente
At medyo ika nga ay may sinasabi
Itong kinainan ng ‘entourage’ pati;
Pero sana naman di na nakigaya
Ang kasama n’yan sa pag-order kumbaga
Ng kung anong mamahaling inumin pa
Na di lamang libong dolyar ang halaga.
At naisip nilang sila’y “public figure”
O di karaniwang taong nagtungo r’un,
Na walang sisita kapag nagkataong
Sila’y nakagawa ng palpak na aksyon!
Sabihin na nating sa sariling bulsa
Ng isa sa inyo nanggaling ang pera,
Pero ang sukli n’yan ay lalayo pa ba
Sa kung anu-anong klaseng anomalya?