‘Karambolakan’

    389
    0
    SHARE
    Wala daw dapat ikabahala ang publiko hinggil sa ebola reston virus sa kabila na dalawa katao ang natuklasang positibo sa anti-bodies sa nasabing virus sa Pandi, Bulacan.

    Ang hindi sinsasabi ng mga health at agriculture officials natin ay kung may kakayahan sila na tugunan at sugpuin ang nasabing virus.



    Marami ang dapat linawin ng mga opisyal ay dalubhasa hinggil sa ebola reston virus. Kabilang dito ay kkung paano nalipat sa baboy ang nasabing virus.

    Dati kasi ay sa mga unggoy lamang nakikita ang ebola reston virus.



    Hindi pa rin malinaw kung paano nalipat tao sa ebola reston virus. Sila ba ay nahawa sa unggoy o sa baboy?

    Sa unggoy o sa baboy man nagmula ang ebola reston virus na nalipat sa tao, ito ba at nangangahulugan na nagkaroon na ng mutation ang virus? O may kaugnayan ba ang pagbabago ng panahon at kalinisan sa kapaligiran?



    Noong nakaraang linggo, nagpahayag ang Provincial Health Office ng Bulacan hinggil sa ebola reston virus. Isa sa payo nila ay kailangang paigitingin ang biosecurity sa mga babuyan.

    Tama iyon. Pero hindi ba ma nararapat na ang provincial veterinary office ang magpahayag ng ganun?



    Dahil tao ang pangunahing kliyente ng provincial health office, ipinayo nila ang pagpapaigting sa personal hygiene o paglilinis sa katawan ng tao, sanitasyon o paglilinis sa kapaligiran.

    Pero may dagdag na payo ang Provincial Health Office (PHO) ng Bulacan. Nanawagan sila sa publiko na “agad na iparating sa kanilang tanggapan kung may kakaibang insidente ng pagkakasakit sa mga alagang baboy.”



    Kung sa PHO ng Bulacan iuulat ang insidente ng pagkakasakit ng baboy, baka dapat nila nilang palitan ang pangalan ng kanilang tangggapan ng PAHO o provincial animal health office.

    Kung sasakupin ng PHO ang pangangalaga sa kalusugan ng hayop, paano na ang provincial veterinary office?



    Isa mgga pagkukulang ng Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) sa paghawak sa kaso ng ebola reston virus ay ang pagbibigay ng sapat na impormasyon o edukasyon sa mga mamamahayag hinggil sa nasabing virus.

    Dapat ay simulan na nila ang pagsasagawa ng mga seminar workshop hinggil sa ebola reston virus para sa mga mamamahayag upang may higit na edukado ang pagbabalita sa nasabing issue, katulad ng ginawa nilang seminar-workshops hinggil sa bird flu.



    Ito ay kung nais nilang higit na maipaliwanag sa mga tao ang problema sa ebola reston virus, dahil ang mga mamamahayag ang nagsisilbing tagapagbalita nila at tagapagturo sa mga tao.

    Bukod dito, kailangan din isama sa seminar ang topic hinggil sa mga emerging diseases at kung ano ang kaugnayan ng pagbabago ng panahon o climate change sa mga ito.



    Hindi lamang mga mamamahayag ang dapat sumailallim sa seminar workshops, kungdi mga opisyal ng DA ay DOH sa mga lalawigan at rehiyon.

    Ito ay upang maiwasan ang karambola sa pagpapaliwanag katulad ng nangyari sa paliwanag ng health official ng Bulacan na matatawag na “karambolakan.”



    Pero mas grabe ang karambola ng PDEA at DOJ hinggil sa kaso ng Alabang Boys. Ito ay dahil na rin sa pagpapasikot-sikot ng mga personalidad hinggil sa nasabing kaso.

    Imagine, pati si GMA ay napasama na gulo ng ipag-utos niya ang iimbestigasyon sa pamamagitan ng independent panel sa nasabing kaso, matapos akusahan ng DOJ na bias ang mga kongresistang nag-iimbestiga sa kaso.



    Maging NBI ay nag-imbestiga na rin hinggil sa alegasyon ng panunuhol sa nasabing kaso, pero sa huli ay sinabing wala silang makitang ebidensya.

    Sus, di yata nila alam na wala silang makikitang ebidensya sa suhulan, maliban na lang kung may resibong ibinigay sa nagsuhol.



    Anyway, malinaw lamang na nalayo na tunay na isyu ang usapan sa Alabang Boys. Nakalimutan na ng marami na dapat ay magpalabas ng resolusyon ang DOJ para sa kanialng automatic review sa nasabing kaso after 30 days.

    Pero wala na ang atensyon ng media sa automatic review ng DOJ, ang pinipilit nila ay ebidensya sa suhulan.



    Lalo pang nagkarambola ng makisali ang mga fiscal sa rehiyon ng sila ay magsagawa ng mass leave, matapos pagbakasyunin ang mga prosecutors ng DOJ.

    Nagreklamo ang mga fiscal na di tama desisyon na pagbakasyunin ang kanilang mga kabaro, pero hindi man lang nila binanggit na dapat ilabas ng DOJ ang resolusyon para sa automatic review sa loob ng 30 days, samantalang noong Disyembre pa nasa DOJ ang kaso.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here