Kapitolyo naghahanda na sa selebrasyon ng Bataan Day

    711
    0
    SHARE
    BALANGA CITY, Bataan – Naghahanda na ang kapitolyo sa selebrasyon ng Bataan Day sa Abril  2 – 6 at ang paggunita sa ika-67 na annibersaryo ng Araw ng Kagitingan na noong una’y tinatawag na “Fall of Bataan” o ang pagbagsak ng lalawigan sa kamay ng mga sundalong Hapon noong Abril 9, 1942.

    Inaapura  ng mga manggagawa ang paglalagay ng tila mga tunay na tao na naglalarawan ng ilang pangyayari noong bago magkadigma, panahon ng digmaan, ang kabayanihan ng mga ductor at nurses, ang kalupitan ng mga Hapon, ang Death March at ang paglulan sa bagoneta ng tubo ng mga bihag na Pilipino at Amerikanong sundalo mula San Fernando, Pampanga hanggang concentration camp sa Kampo O’Donnel sa Capas, Tarlac.

    Inihahanda na rin ang kulay asul na mga tent na gagamitin sa trade fair  kung saan itatampok ang mga produktong gawa sa Bataan simula sa ika-2 ng Abril.

    Magtatapos ang Bataan Day celebration sa ika-6 ng Abril sa halip na Abril 9 (natapat na Huwebes Santo) sa Mount Samat, bayan ng Pilar kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

    Tulad ng mga nakalipas na taon ng pagdiriwang, magkakaroon ng foot parade, parade of floats na ilalarawan ang mga pangyayari noong ika-2 digmaang pandaigdig , tribute to World War II veterans at ilan pang mga programa sa kapitolyo ng Bataan sa Balanga city.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here