Kapitbahay huli sa rape-slay ng dalagita

    583
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales—-Patay na nang matagpuan noong mismong Bagong Taon ang 15-anyos na dalagita na hinalay bago pinatay sa madamong lugar sa Sitio Malaya, Barangay Aningway-Sacatihan sa bayang ito.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Inspector Leonardo Madrid, hepe ng Subic Municipal Police Station, kinilala ang biktimang si “Daniela” residente ng nasabing lugar.

    Kinilala naman ang suspek na si Billy Tacuyan, 28, kapitbahay ng biktima.

    Sa pagsisisyasat ng pulisya sa mga kaibigan na tumatayong mga testigo sa insidente, bisperas ng Bagong Taon nang magkakasama pa ang mga testigo, suspek at biktima para ipagdiwang ang media noche sa bahay ng magulang ng suspek hanggang sa maisipan ipagpatuloy ito sa kalapit bahay na tinutuluyan ng suspek.

    Laking gulat ng mga kaibigan ng suspek at biktima dahil hindi na sila nakita pang muli para makasamang magdiwang. Sa pagsisiyasat ni Dr. Richard Patillano, medico legal, ang biktima ay ginahasa bago ito sinakal.

    Ang suspek ay detinido sa Subic PNP at ipinagharap na ng kasong rape with homicide sa Zambales Provincial Prosecutors Office.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here