Kampo ng NPA, nakubkob ng militar

    487
    0
    SHARE

    MASINLOC, Zambales — Nakubkob ng militar ang kampo ng mga hinihinlang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos magpanagupa ang mga ito sa Sitio Bunga, Barangay Mabini sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

    Sa ulat ng Zambales Police Provincial Office, nagsimula ang engkwentro bandang alas-10:30 ng umaga na tumagal ng may 30 minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo mula sa 24th Infantry Battalion ng Phillippine Army na naka base sa Tent City sa Barangay Bulawen Palauig, Zambales.

    Ayon sa ulat, nagsasagawa ng combat operation sa nasabing lugar ang mga sundalo nang makasagupa ang may 15 mga NPA.

    Idinagdag pa sa ulat na ang mga naka-engkwentro ng mga sundalo ay nagsasagawa ng “extortion activities” sa nasabing lugar.

    Narekober sa lugar ang may 12 tent at ibat-ibang personal na kagamitan ng mga rebelde na naiwan sa kanilang pagtakas.

    Wala namang napaulat na nasawi sa magkabilang panig sa naganap na sagupaan.

    Dahil dito, nababahala naman ang ilang residente na nasa liblib na lugar na baka hindi sila makaboto sa nalalapit na halalan dahil sa pangambang baka maulit ang nasabing sagupaan.

    Kaugnay nito, nilinaw naman ni Zambales Police Provincial Office, director, Senior Supt. Francisco Santiago, Jr., na ang naganap na engkwentro sa pagitan ng military at NPA ay walang kaugnayan sa nalalapit na “special election” sa ikalawang distrito ng Zambales na gaganapin sa Pebrero 4 ng taong kasalukuyan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here