Ang simbahan ng Orani
LUNGSOD NG BALANGA — Pagsapit ng alas-3 ng hapon ng Miyerkules Santo, nagdasal ang mga pari at kinalembang ang mga kampana sa kani-kanilang simbahan sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan.
Sa Orani Church o Miraculous Virgin of the Most Holy Rosary Church, hinimok ng pari sa pamamagitan ng loud speaker sa simbahan na sabayan siya sa pagdarasal upang mapawi na ang salot na dulot ng coronavirus disease.
Ang Church of Orani ay ika-16 na minor basilica sa Pilipinas at kauna-unahan sa Bataan na idineklara ni Pope Francis
Matapos ang maikling dasal, ilang minutong tumunog ng sunod-sunod ang maliit na kampana na paminsan-minsang sinasalitan ng kalembang ng malaking kampana.
Ang sabay-sabay na pagpapatunog ng kampana sa buong bansa ay bilang pag-alinsunod ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa panawagan ng gubyerno ng pagkakaisa upang tuluyang malampasan ang krisis na bumabalot sa buong bansa.