Home Headlines Kalingang Zambaleño: Pamaskong handog ng LGU nagsimula na

Kalingang Zambaleño: Pamaskong handog ng LGU nagsimula na

618
0
SHARE

IBA, Zambales — “Paskong pagbangon at paghilom ng ating lalawigan, inspirasyon para sa matatag na kinabukasan”.

Ito ang buod ng mensahe ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr. na may temang “Kalingang Zambaleño” sa Christmas tree-lighting at light display switching-on ceremony noong ng gabi Nov. 25 sa Capitol. 

Pamaskong food packs sa mga Zambaleño. Contributed photo

Sisimulan ngayong Nov. 28 ng provincial government sa mga bayan ng Subic, Castillejos, San Marcelino, San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabaggan, Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria. at Sta. Cruz ang pamamahagi ng Christmas food packs sa bawat pamilyang Zambaleño at ito’y magtatapos sa Dec. 14.

Inihayag din ng gobernador na maging ang mga senior citizen sa 13 bayan ng Zambales ay may nakahandang pamaskong handog ng pamahalaang panlalawigan.

Kasama ni Ebdane sa pamamahagi ng pamaskong handog sa mga Zambaleño sina Vice Gov. Jaq Khonghun at ang buong sangguniang panlalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here