Tuwing Enero 1 ay nagsisipag-suot babae ang mga kalalakihan ng Minalin, Pampanga bilang pagpapatuloy sa 85 taong tradisyon. Kuha ni Romel Ramos
MINALIN, Pampanga —- Isang kakaibang tradisyon para sa selebrasyon ng Bagong Taon ang ginagawa dito kapag unang araw ng taon.
Ito ay ang tinatawag na Aguman Sanduk o ang pagsusuot ng damit pambabae ng mga kalalakihan dito mapa- matanda man o mga kabataan.
Ayon sa kwento, noong panahong iyon ng 1933 ay nakaranas ng matinding tagtuyot sa bayan ng Minalin na nagdulot ng pagkalungkot at pagkabalisa sa mga residente doon.
Kaya’t upang mawala ang kalungkutan ng mga residente doon ay naisipan ng mga ninuno sa kanilang lugar na magsagawa ng Aguman Sanduk bilang kasiyahan o ang pagsusuot nga ng mga kalalakihan ng damit pangkababaihan.
Makaraan ang ilang dekada ay patuloy na nagsisipagsuot ng damit pambabae ang mga kalalakihan sa Minalin taon-taon na nakapagbigay aliw sa mga taga-roon.
Ang programa ay ginagawa sa pamamagitan ng mga street dancing at parade ng 15 karosa mula sa ibatibang baranggay hanggang makarating sa Minalin town proper.
Halos lahat ng kalalakihan sa Minalin ay lumalahok sa Aguman Sanduk maging ang mga halal na opisyal ng barangay at munisipyo.