Kalahok sa Lakan at Lakambini tumulong sa relief operations

    562
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Tiniyak ng mga organisador ng 2011 Lakan at Lakambini ng Bulacan na tuloy ang taunang timpalak sa kabila ng pananalasa ng bahang hatid ng bagyong Pedring sa mga bayan ng Hagonoy at Calumpit.

    Kaugnay nito, halos tumulo ang luha ng mga kalahok ng kanilang ipahayag sa mga mamamahayag ang kanilang karanasan sa panahon ng bagyo at pagbaha na tinampukan ng paglahok nila sa pagbabalot at pamamahagi ng mga rasyong tubig at pagkain sa mga apektadong Bulakenyo.

    “Tuloy pa rin ang 2011 Lakan at Lakambini pageant, sa October 29 ang coronation night,” ani Jo Clemente, ang chairman emeritus ng Lakan at Lakambini ng Bulacan Charities (LLBC).

    Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kasama ang 20 naggagandahang dalaga at makikisig na binatang kalahok sa taunang timpalak, sinabi ni Clemente na ikinalungkot nila ang pananalasa ng kalamidad sa lalawigan.

    Si Clemente at mga kalahok ay nakapanayam ng Punto noong Linggo, Oktubre 9 sa lungsod na ito kaugnay ng pagpapakilala sa mga 40 kabataang kalahok sa timpalak.

    Iginiit niya na ang mga gawain ng mga kalahok ay nakatakda na ngunit ilan sa mga ito ay naapektuhan ng pananalasa ng baha.

    Halos tumulo naman ang luha ng mga kalahok ng ikuwento nila sa mga mamamahayag ang kanilang karanasan sa panahon ng bagyo at baha.

    Ayon kay Ma. Dennirose Nischelle Diaz ng Sta. Maria, halos wala siyang nagawa kungdi manalangin, at sa huli ay mag-abuloy sa simbahan para sa mga inipong rasyong pagkain at inumin na ipinamahagi sa mga naapektuhan ng baha. 

    Bukod dito, lumahok din si Diaz sa paghahatid ng mga rasyon sa Calumpit noong Oktubre 8.

    Gayundin ang ginawa nina Angiela Nacu ng San Ildefonso, Jean Jayzell Gonzales ng San Rafael, Maricon Cho ng Bulakan, Mariver Ocampo ng Paombong at iba pang kalahok.

    Bilang isang Nursing student, tumulong naman si Ma. Lovely Cherry Lyn Cando ng Baliuag sa paghahanda ng mga gamot; samantalang ang mga kalalakihang kalahok tulad ni Lino Mulawin ng Malolos ay nagpahatid ng mensahe sa pamamagitan ng text message at Facebook account sa mga kaibigan upang makahingi ng tulong.

    Katulad ng mga kalahok na lakambini, tumulong din sa pamamahagi ng mga relief goods ang mga kalahok na lakan.

    Para naman sa mga residente ng Hagonoy na sina Jeslyn Santos at John Raphael Castro; at mga residente ng Calumpit na si Jean Michelle Yumul, minabuti nilang magsipagdasal at tumulong sa kanilang pamilya sa pagtataas ng kanilang mga gamit sa bahay.

    Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang kalahok sa taunang timpalak ay sina:

    Gem Nazareth Joaquin ng Guiguinto, Rachel Ann Salazar ng Baliuag, Caraleigh Ico ng Bustos, Janine Charisse Pile ng San Ildefonso, Hasel Balintong at Mary Joy Geronimo na kapwa nagmula sa Meycauayan, Candy Del Castillo ng Bocaue, Aeronica Denice Sumeracruz ng Marilao, Angeli Rose De Guzman ng San Rafael, Camille Javier ng Bustos, at Angelica Joy Gonzales ng Bulakan.

    Ang iba pang kalahok bilang Lakan ay sina: Danilo Ileto, Mike Albert Gonzales at Jovet Andrade na pawang nagmula sa bayan ng San Rafael; Robert Paul Tuazon, Gerald Benedict Caballero at Patrick Galang na pawang taga-Plaridel; Dennis Pangilinan Jr.,

     at John Nico Lamboloto na kapwa nagmula sa Lungsod ng San Jose Del Monte; John Paul Halili ng Bocaue, John Wilvert Diaz ng Marilao, Clarence Mananguit ng San Ildefonso; Daryl Sunga, Kevin Ramos at Myson Caesar Ueda na pawang nagmula sa lungsod na ito; Sidney Mendez at at Louie Tomas ng kapwa taga-Sta. Maria; at sina Emmanuel Gabriel Reyes at Charles Andrew Capisonda na kapwa nagmula sa bayan ng Paombong.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here