Kailangan na talagang ibalik ang parusang bitay

    569
    0
    SHARE

    Ngayong kahit saan mang dako ng bansa,
    Partikular na sa kalakhang Maynila,
    Ay di maikakaila ang paglobong bigla
    Ng kriminilidad… gaya halimbawa

    Ng ‘carjacking,’ at kung saan ang biktima
    Ay walang awa ring pinapatay nila
    Matapos agawin ang sasakyan niya,
    Mahalagang gamit at salaping dala

    At iba pang krimen na patuloy pa ring
    Nagaganap sa kapaligiran natin,
    Tulad ng panghohol-dap sa malalaking
    Grocery, bangko at mga PUV rin;

    Kung saan kailan lang ay isang matanda
    Ang namatay nang siya ay tumalong bigla
    Sa sinasakyan nang sila’y holdapin nga
    Sanhi ng takot at saka pagkabigla.    

    Liban sa iba pang araw-araw na lang
    Ay laman lagi ng mga pahayagan,
    At kung saan ang kapural kadalasan
    Ng panghoholdap ay pulis pa kung minsan.

    O kung di man pulis ay itong madalas
    Magpakilala sa gawang panghulidap
    Ay otoridad kung sila’y magpanggap,
    Kaya nagagawa niyan ng walang hirap

    Ang harangin basta ang kahit na sino
    Sa kung anong klaseng gimik o estilo
    Gaya kung ito ay ‘check point’ diumano,
    Kaya natural lang hihintuhan nito.

    At dito na sisimulang molestahin
    Ng mga hayupak na kampon ng dilim
    Ang biktima hanggang sapilitang kunin
    Nila ang kotse n’yan matapos patayin!

    Sa puntong yan liban sa muling ibalik
    Ng pamahalaan o ng ‘Court of Justice’
    Ang parusang bitay diyan sa Bilibid,
    ‘Never’ na ang krimen ay basta liliit.

    O mababawasan ang pagsirit tuwina
    Ng kriminalidad dahilan na rin sa
    Mahatulan man ng ‘life sentence’ kumbaga
    Ang isang salarin ay di mangangamba

    Na makulong yan ng matagal sa Munti,
    Sanhi na rin nitong ya’y napakadali
    Din namang sa Laya makabalik muli
    Basta’t may sapat siyang hawak na salapi.

    Kung saan gaano man sila kasama
    At isinusuka na halos ng madla,
    Nang dahil sa sila ay may kasangga nga
    Na maimpluwensya – lahat bale wala!

    At paglabas n’yan sa kulungan, posibleng
    Higit pa sa dating pagiging salarin
    At asal hayop na masamang gawain
    Ay pamuli’t-muli pa rin n’yang gagawin!

    Kasi,  nang dahil sa kawalan ng takot
    Sa batas nitong wala na rin yatang Diyos,
    Yan animo’y pumatay lang ng manok
    Sa biktima oras na ito’y pumiyok.

    Pero kung bitay ang pinaka-capital
    Na parusa, saka ‘no bail for heinous crimes,’
    Ya’y makagawa pa ba ng kahayupan
    Hanggang sa ito ay tuluyang mabitay?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here