Home Opinion Kailangan na talaga

Kailangan na talaga

1198
0
SHARE

TAPOS NA ang ‘midterm’ ni Pangulong Digong
nitong nakaraang‘30th day of June,’
pero may ilan pa siyang pinangakong
di pa naisagawa magpahanggang ngayon.

Gaya ng aniya ay kanyang ibabalik
ang ‘death by lethal injection’ na ginamit
kay Echegaray na (the first ever rapist)
And last inmate who spared life in late 90’s.

Of which said punishment and/or execution
Was successfully done by lethal injection
To Leo, and since then the execution room
Where he met death remained on no operation.

Na inaasahang ngayo’y mabubuksan
muli sa panahon ng panunungkulan
ng ating Pangulo ang parusang iyan
pero ‘till date pending’ para rin sa batasan.

At parang kakaunti itong sa ‘death’ pabor
maibalik muli kaya urong-sulong
pati ang kakampi ni pangulong Digong,
sa isyung ito na siyang makatugugon

Sa pagsugpo natin sa kriminaldidad
at iba pang krimen na lubhang talamak,
na sa lahat ng dako ng Pilipinas
ang matinding paglala ng ‘illegal drugs’

Na posibleng ito ang sanhi kung bakit
pati itong dati’y matino ang isip
nabuwang at sila ang mga naging ’rapist,’
na bumibikta r’yan ng batang paslit.

At itong iba pa r’yang grabeng paglabag
(sa batas,) katulad ng pangungulimbat,
pangungurakot at saka pagtutulak
ng bawal na gamot ay naging talamak.

Kung saan sa puntong ito may hinala
ang nakararami sa ‘ting Inangbansa,
na baka ‘insider’ lang din ani Kaka
at maimpluensya, tayo ba’y kakana?

Laban sa mga ‘yan na batid nga nating
higit sa lahat ay mga masunurin
at sanay maglubid pati ng buhangin
sa ikagagalak ng kung sinong ‘kingpin’?

Anong malay natin, na baka sa likod
nang pagdagsa nitong illegal na gamot
at iba pang bawal na naipapasok
ng di nasisita man lamang sa ‘customs’

Di kaya may mga kakutsaba mismo
diyan sa BOC ang ‘consignee’ nito
kung kaya malamang nagagawa nito
ang paglabas-masok ng malaya rito?

At baka ang bitay, di maisulong-sulong
na pamuli itong ibalik sa ngayon
ay bunsod na rin ng maraming ang tutol,
pero di masabi ang tunay na rason.

Sa puntong ito ay kinakailangan na
ni sir Duterte ang kumilos na siya
at atasan itong mga kongresista
na amyendahan yan bago ang iba pa;

Na kinakailangan na ring rebisahin
dahil sa hindi na angkop sa ugaling
kinagisnan nitong mas nakararaming
kapwa Pilpino sa panahon natin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here