Home Headlines KAHANDAAN PARA SA KALIGTASAN

KAHANDAAN PARA SA KALIGTASAN

324
0
SHARE
Sa pangunguna ni Governor Dennis “Delta” Pineda at Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Chief Angelina Blanco, nakaalerto ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa mga posibleng epekto ng bagyong Paeng.

Bilang paghahanda, nagsagawa ng briefing ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Emergency Operations Center para sa maayos na pagkakalap ng impormasyon at maagap na paghahatid ng serbisyo sa mga Kabalen.
Nakaalisto rin ang mga Rescue team kasama na ang mga angkop na sasakyan at kagamitan sakaling kailanganin sa panahon ng sakuna.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here