Home Headlines Kaayusan ng palengke sa Cabanatuan pinuri

Kaayusan ng palengke sa Cabanatuan pinuri

1750
0
SHARE

Nakaupo sa monoblock chairs na may sapat na distansiya ang mga mamimili habang naghihintay na makapasok sa Sangitan Public Market. Kuha ni Armand M. Galang



CABANATUAN CIT
Y – Pinuri ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija police provincial office director, ang kaayusan ng Sangitan Public Market, isa sa mga pangunahing pamilihan sa lungsod na ito, sa kanyang pag-inspeksiyon nitong Huwebes.

“Yung improvement nandiyan na, nakaka-observe na sila ng social distancing at regulated na rin yung entrance at exit natin dito para hindi sila nagka-clog sa loob” sabi ni Rosete sa ikalawang araw ng kanyang pagtungo sa pamilihan.

Ang social distancing ay isa sa mga pangunahing hakbang na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force sa pangunguna ng Department of Health upang masagkaan ang pagkalat o pagkahawa-hawa ng nakamamatay na coronavirus disease.

Si Police Col. Leon Victor Rosete, provincial director ng Nueva Ecija police provincial office habang nagmamasid sa palengke. Kuha ni Armand M. Galang

Nilinaw rin ni Rosete na ang Home Quarantine Pass (HQP) ay “consumption po talaga yun ng barangay.”

“Ngayon kung gusto nilang mamalengke rito ay hindi  mo naman po talaga mapipigilan ang taumbayan kasi essential po yan,” pahayag ni Rosete, basta’t isasagawa lamang ang social distancing.

Iba, ayon sa kanya, ang quarantine pass sa authorized person outside residence (APOR) dahil may mga residente na hindi makakuha ng HQP sa barangay dahil hindi kasundo ang opisyal.

Alam na ng mga pulis na ang mga tao na katulad ng mamamalengke ay awtorisado. “Automatic yan kaya dapat pagbigyan natin yan.  We just have to make a way or measure for these people, our contrymen, to observe social distancing,” paglilinaw pa niya.

Tanging yaon lamang, dagdag niya, ang magagawa “unless otherwise magkaroon ng directive ang ating Pangulo na ipatigil nating lahat yan. In the absence of that we have to endure social distancing. “

Unang binisita ni Rosete, kasama si Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng Cabanatuan City police station at mga opisyal ng Magsaysay Norte sa pangunguna ni barangay chair Myra Sibayan Lopez nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Lopez, ipinatutupad na ang clustering sa pamamalengke ngunit sadyang marami ang namamalengke. 

Hanggang nitong Miyerkules ay 41 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Nueva Ecija kung saan 15 dito ay naka-rekober na at dalawa ang binawian ng buhay, batay sa ulat ng Nueva Ecija inter-agency task force.

Pinakahuli sa mga confirmed Covid-19 case sa lalawigan ay si Patient 41, isang 28-anyos na nurse na residente ng Sumacab Este sa lungsod na ito at kasalakuyang naka-admit sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here