CABANATUAN CITY – Tinatayang 1,000 mga lalaking Katoliko ang naglakad mula sa Katedral ng San Nicolas de Tolentino patungong Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) sa lungsod na ito upang ipahayag ang tahasang pagtutol sa anumang porma ng pang-aabuso sa buhay ng tao, partikular sa Reproductive Health Bill o House Bill 5043 noong Sabado.
Ayon kay Albert Tolentino, district deputy ng Knights of Columbus District CO2, naninindigan ang kanilang mga kasapi na “non-negotiable” ang buhay at hayagan nilang kinokondena and RH Bill.
Ang tema ng gawaing tinaguriang Walk For Life, ayon kay Tolentino ay “We Value Life”, dahil ang mga maginoong Katoliko ay “naninidugan sa dangal ng buhay na kaloob ng Diyos.”
Suportado ng dawalang diosesis sa Nueva Ecija ang gawain, sabi pa ni Tolentino.
Bago tuluyang naglakad sa mga pangunahing lansangan ng lungsod, ang mga kasapi mula sa 56 na konseho ng K of C ay dumalo sa isang Misa sa St. Nicholas of Tolentine Cathedral na pinangunahan ni Bishop Sofronio Bancud ng Diocese of Cabanatuan, kasama si Bishop Mylo Vergara ng Diocese of San Jose City at ang kaparian ng Nueva Ecija.
Bukod sa mga tinaguriang kabalyero, naglakad din ang kinatawan ng ilang grupong pang-relihiyon at mga kabataan sa ilalim ng Columbian squires.
Nakiisa rin sa paglalakad si Mayor Sonia Lorenzo ng San Isidro, Nueva Ecija dahil “sa amin sa San Isidro, mahalaga ang buhay ng tao.” Sinabi niya na sa San Isidro ay taumbayan ang pangunahing kayamanan na nag-angat sa kanila sa lahat ng aspeto ng kaunlaran.
Isa sa mga pangunahing nag-akda ng RH Bill ay si Rep. Edcel Lagman.
Sa programang ginanap sa NEUST gym ay nagbahagi ng kanilang paninindigan para sa buhay sina Mayor Lorenzo, Board Member Joseph Ortiz ng 2nd district, Past Grand Knight Manuel Guerrero na kumatawan sa institusyong pam-paaralan, Rev. Fr. Benjie Javier at iba pa. Binuksan ang palatuntunan sa panalangin ni Fr. Orlan Valino.
Sa kanyang homily ay sinabi ni Bishop Bancud na lubahang mapanganib na paniwalaan ng tao na dahil kanya ang sariling buhay ay magagawa na niya ang anumang naisin niya. Sa depinisyon ng Simbahan, ani Bancud, ang love ay life, unity and openness to life.
Bitbit ang mga banner na nagpapakita ng sanggol, ang mga lalaking Katoliko ay nanindigang isang porma ng pagsusulong sa aborsiyon ang RH Bill.