Julia Montes trabaho rin ang priority sa buhay

    445
    0
    SHARE

    Ayon kay Julia Montes sa panayam with Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight, hindi pa siya nakakarating sa  bahay ni Coco Martin considering na consistent  silang nali-link sa isa’t isa. Nang marinig ito ni Kris, gulat na gulat siya  at parang hindi makapaniwala.

    Kinantyawan niya si Julia dahil siya  nga naman, nakarating na sa bahay ni Coco nang i-feature niya ito sa Kris TV. “Hindi ka pa niya ini-invite? Dapat i-invite ka niya,” say pa  ni Kris sa young actress.

    Asked kung bakit hindi mamatay-matay ang tsismis tungkol sa kanilang dalawa, sagot ni Julia, siguro ay dahil si Coco ang masasabi niyang pinaka-close niya sa mga lalaki. 

    “And ever since hindi pa siya Coco Martin at wala pa  akong  opportunity na ibinigay ng ABS-CBN, magkakilala na po talaga kami, so, kapag parang, ’pag nagsasalita kami  siguro, medyo may factor na hmmm (may something),” paliwanag ni Julia.

    Sa March ay 20 years old na ang  actress at pinapayagan naman daw siya ng lola niya na makipag-date. Hindi raw ito strict. Pero siya ang istrikto sa  sarili niya.  Hindi siya nakikipag-date dahil gusto niyang mag-focus sa trabaho.

    “Kasi kilala ko po ’yung sarili ko na kapag may nagustuhan ako or meron akong ano, nasisira ’yung focus ko, so, ayoko talaga. “Medyo may ganu’ng factor ako, ’pag may nagustuhan akong anything, like cooking or baking, medyo may factor ako na ‘’eto muna gagawin ko.’ So, ayokong masira ’yung focus ko sa work,” pahayag ni Julia. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here