Career muna bago kasal

    345
    0
    SHARE

    Aminado si John Lloyd Cruz na napi-pressure na rin siya tungkol sa mga kasal-kasal na ’yan dahil hindi na raw siya  bumabata. “I am not getting any younger, I’m 31.

    Imposible naman na hindi ko maramdaman ’yung pressure, but it’s  good to know your priorities and sabi nga nila, buti lalaki  ka, kasi mas madali raw sa lalaki, ’di ba?” say ni Lloydie sa panayam sa The Buzz.  Maging ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban ay umamin na ring she’s ready to settle down.

    In fact, panay nga raw ang parinig niya kay Lloydie tungkol  sa marriage proposal. Pero ayon sa aktor, kari-renew lang niya ng another three years sa ABS-CBN kaya ang goal niya ngayon ay magtrabaho  nang mabuti.

    “At   this point, kakapirma lang natin, ’di ba? I’d like to show my bosses na nasa top priority natin ngayon ang trabaho    and gusto  nating ma-achieve ’yung content ng kontrata. Maka-deliver tayo  sa pinirmahan natin, sa commitment natin  sa network,” pahayag ng aktor. 

    Siyempre, gusto rin naman daw niyang lumagay sa tahimik pero hindi ibig sabihin nu’n   ay magpapakasal na siya. Wala pang sinabi si Lloydie na bagong proyektong gagawin sa ABS-CBN matapos tanggihan ang Bridges na dapat sana’y  pagsasamahan nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador. Sa ngayon, may  isa siyang sitcom na umeere, ang Home Sweetie Home. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here