Jolina Magdangal inagawan ng BF
    ng network executive?

    451
    0
    SHARE
    Ilang taon na rin naming magkarelasyon sina Jolina Magdangal at ‘yung US- based niyang boyfriend na nakalimutan na naming ang pangalan. Anyway, maraming funfare sa kanilang relasyon noon na umabot sa puntong pakakasal na sila na hindi naman matuloy-tuloy.

    Pinalabas pa ng ilang kampo na dahil tumakbong talunang pulitiko ang lalaki ni Jolina, ginagamit lang daw nito ang aktres. Na siyempre, laging sinasabi ng anak ni Mang Jun Magdangal na walang katotohanan ang lahat.

    But this time kumpirmado na ang lahat. Mismong si Daddy Jun , na may approval daw ni Jolens ang nagsalitang talagang break na ang dalawa.

    “Kahit kami, nagulat nang sinabi ni Jolina sa amin na wala na sila ni Bebong,” pagkumpirma nito. ”After Christmas na pumunta kami sa Tagaytay, naiwanan pa namin si Jolina sa Quezon City dahil mag-aayos daw muna siya ng kanyang room, dahil iyon lamang ang chance niya since wala pa siyang work.  Sumunod na lamang siya sa amin sa Tagaytay, at doon nga niya sinabi na wala na sila ni Bebong. 

    “Malihim si Jolina tungkol sa kanyang lovelife, hindi naman kami nagtatanong, kaya hindi kami nag-isip na may hindi na pala magandang nangyayari sa kanilang relasyon.  Kaya nang tanungin namin siya kung ano ang reason ng breakup nila, ang sagot lamang niya sa amin, ‘Wala.’ Kahit sa ate niya, hindi siya nagsalita, kaya hindi na rin siya kinulit nito.  “Kaya kami, iginalang na lang namin kung anuman ang kanyang nararamdaman.  Hindi niya sinabi kung kailan exactly sila nag-break, kaya clueless din kami kung before Christmas pa ba nangyari iyon.”

    Sa gitna ng mga pangyayari, siyempre, may mga tanong na naiwan. Like kung may third party ba sa kanilang break up? Na talaga naming posible dahil halos lahat ng mga break up sa mga relasyon ay dahil sa third party.

    Sa ngayon, patuloy ang mga sitsit, pati mga blind items na ‘di umano, naagawan si Jolina ng isang may dyowa ng network executive. Na dahil nga raw lagging kasama ni Jolina ang dating BF, ayun, nagkaroon ito ng pagkakataong makapaglaro ng apoy kasama ng sinasabing executive ng isang giant network.

    But of course, may nababasa kaming mga pagtatanggol saying na very close lang daw sila ng dating BF ni Jolina dahil magpinsan ang mga ito.

    Anyway, hindi na natin malilinawan ang tungkol dito dahil wala naming aamin or magsasalita pa tungkol sa piece of detail ng kuwento ng break up nina Jolina at ng kanyang ‘di umano’y taksil na BF.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here