John Lloyd nagpakalbo

    236
    0
    SHARE
    May eksena sa Honor Thy Father na si John Lloyd mismo ang nagsi-shave ng buhok niya sa harap ng kanyang anak played by Krystal Brimner. Mabilis na napapayag ang aktor na magpakalbo, kinailangan lang niyang magpaalam sa ini-endorse niyang shampoo na agad daw pumayag.

    Hindi nagsisi si John Lloyd dahil maganda ang pelikulang dinirek ni Erik Matti, graded A ng Cinema Evaluation Board at positive ang feedback ng mga nakapanood na.

    Very proud ang aktor sa first MMFF movie niya at hindi masyadong iniisip ang box-office result dahil ang consumer ang magde-decide.

    Co-producer din si John Lloyd sa Honor Thy Father.

    ”Total darkness ito para sa akin, hindi ko makapa, hindi ko pa alam. Mas mabigat na trabaho ito kesa sa pag-arte. Erik wanted me to co-produce the movie at sabi niya, ayaw niya akong maguluhan, kaya may tao ako na kinakausap nila.”

    Magagaling na artista ang cast ng movie kabilang sina Tirso Cruz III, Meryll Soriano, William Martinez, Yayo Aguila at Perla Bautista na personal request ni John Lloyd na gumanap na kanyang ina. Sobrang naapektuhan si John Lloyd scene nila.

    Samantala, welcome kay John Lloyd ang gumawa ng pelikula sa Regal at nagbiro na dahil nasa Regal na siya sa presscon at present si Mother Lily, mag-usap na sila.

    May option na ang aktor na gumawa ng movie outside Star Cinema, basta right project at right team ang makakatrabaho, may posibilidad na tanggapin niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here