Jinkee Pacquiao, Mommy Dionisia ‘lason’ sa anti-poverty crusade ni Pacman

    399
    0
    SHARE

    Humirit na si Manny Pacquiao sa kanyang pinakabagong krusada. Halos kasabay ng kanyang tagumpay sa kanilang classic boxing bout ni Mosley, ini-announce niya sa isang presscon na lalabanan niya’ng kahirapan sa mundo. Yes, you heard it right, sa buong mundo. Komo nga isang international celebrity si Manny, marami’ng nakikisimpatya at naniniwala na siya ay talagang may taimtim na pagnanais na labanan nga’ng kahirapan. For his crusade, umani nga siya ng maraming suporta at tiyak, magbibilang na siya ng mga material support sa darating na future. We can just imagine that support will pour out galling sa mga influential people na naniniwala sa kabutihan ng ating internatioanl boxer.

    Pero may ilang comment kaming nabasa sa Facebook tungkol sa irony sa krusada ni Pacman. Sobrang luho raw kasi ng dating ng kanyang asawang si Jinkee na pati halaga ng mga gamit pangkatawan ay kailangan pang i-press release. For instance yung isang pares na earrings na suot ni Jinkee sa mismong araw ng laban ni Manny ay nagkakahalaga raw ng pitong milyon.  At siyempre, di maliit na halaga ang iba pang alahas ni Jinkee sampu pa rin ng mga luxury items gaya ng bag at iba pang bagay. Milyones ang halaga. Kumbaga, mukhang meron political wrong kung itutuloy ni Pacquiao ang kanyang krusada.

    At si Mommy Dionisia, party, party, party at yung mga isusuot na gown ang laman ng mga interviews sa kanya. Walang lumalabas sa bibig ng matanda kundi yung tungkol sa mga materyal na bagay na pawang ‘lason’ nga kung iisipin, sa kampanya ng anak.

    Kung talagang seryoso si Pacquaio, siya mismo sabihan niya ang asawa at ina to downplay yung sobrang luho na ipinakikita nila sa publiko. Hindi naman sila kailangang mag-astang mahirap o pulubi, the most that they should do is stop issuing this and that lalo na nga tungkol sa kung magkano ang nagagastos nila sa mga bagay na binibili nila.

    Si Pacman mismo should also stop the media in covering yung mga ari-arian nila like yung mga mansion at iba pang bagay. To truly let us believe na nasa puso niyang gusto niyang sugpuin ang poverty sa mundo, gumawa siya ng hakbang tungkol rito. Kahit paano, may maipakitang mga entities na talagang natutulungan niya.

    Magsimula siyang magbigay ng mga kabuhayan package hitsurang gumastos siya ng sariling pera.

    Madali naman siguro niyang magagawa ang ganuon, puwede siyang makipag-partner sa kanyang mga endorsement at network upang magtayo ng foundation or even a television show, which promotes the welfare of poor and alleviate them from poverty. Or share some millions to a few poor people at ito ang gawin niyang  advocasies sa buong buhay niya. Tutal naman, bastante na siya sa buhay at kahit na ipamigay niya’ng kalahati ng yaman niya, hindi naman makababawas yun sa buhay niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here