Jericho Rosales nasa Pinas na

    306
    0
    SHARE

    Ngayong nakarating na si Jericho Rosales sa bansa mula sa isang buwang pag-aaral ng Film Acting sa New York, excited na ang lahat, lalong-lalo na ang kanyang mga supporters na ipakita niya ang kanyang mga bagong natutunan sa pag-arte.

    Tamang-tama, ang alam namin ay may bagong gagawing teleserye si Echo sa ABS-CBN plus kasama rin siya sa filmfest movie ng Regal Films na Yesterday, Today and Tomorrow.

    Sa New York Film Academy (NYFA) nag-aral si Echo at nag-enjoy daw nang husto ang aktor sa one month niyang ipinasok doon.

    Marami siyang naging kaibigan na noong una’y hindi alam na sikat siyang akto sa Pinas pero bandang huli ay nalaman na rin daw ng mga ito dahil may ilang nakakakilala sa kanya at nagpapa-picture.

    Napakaraming experience ni Echo sa New York at nakaramdam siya ng lungkot nang umalis na siya para bumalik sa sariling bansa.

    Sa last day ni Echo sa NY noong Aug. 31, tweet ng aktor, “Woke up havin the same feeling b4 i left Manila.

    Kind of the same feeling everytime i leave La Union,Pagudpud,Baler and other surf spots i love. I didnt even surf or skate here. This city has a piece of my heart. Its a beautiful last day in New York!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here