Jericho Rosales big crush ni Princess Velasco

    443
    0
    SHARE

    Daming revelation ng sikat na Sessionista’ng si Princess Velasco sa recent interview naming sa kanya in connection with Pagdating Ng Moment concert sa Zirkoh Timog on July 2, starring herself, Aiza Seguerra at iba pang performers na kinabibilangan nina Arthur Pangilinan at Timothy Chan noong isang araw.

    Si Princess po ay alaga ni tita Sherbet Ilacad na talaga namang lagging nakabakod sa kanya. Sa kuwento nilang dalawa ni Princess, matagal muna sa sidelines si Princess bago tuluyang nabigyan ng break.

    Noon pa raw, nililigawan na ni tita Sherbet si Princess pero talagang di ito makasagot dahil ayon kay Princess, nung mga panahong yun, nasa kanyang comfort zone ito at tila masaya na roon.

    Pero nang mabigyan ng pagkakataon si tita Sherbet, Princess became a faceless singer, yes, siya ang boses sa ilang albums na ibinebenta pero puro kanta lang ang features. Nagtagal daw siya sa ganoong kategorya hanggang mabigyan ng pagkaktaon sa ASAP. Nakasama sa grupo ng Sessionista at doon, kahit medyo mabagal, kinilala naman ang kanyang galing. Sa ngayon, isa sa mga pabirito ng publiko si Princess dahil nga sa kanyang mga soulful rendition ng mga kantang mahirap makalimutan.

    Okey na raw sana si Princess dahil nga nahirati na siya sa buhay singer kahit nasa background lang, pero nang mabigyan siya ng malaking break, talagang medyo umangat ang kanyang career.  “And this is all because of Piolo Pascual,” kuwento pa niya.

    Natoka raw sana siyang gumitara sa isang special number noon ni Piolo sa ASAP. Okey lang daw sa kanya, total naman, mahusay naman siyang gumitara, pero nang mag-request daw si Piolo na kailangan mag-duet silang dalawa, parang nagbago ang timpla niya. Ang galling daw ng ganoong pagkakataon, biruin mo nga namang si Piolo pa mismo ang nag-request sa mga execs ng ASAP na gusto nga niyang maka-duet si Princess.  Di raw nakapalag ang mga tao sa ASAP at lahat puro tinginan lang, pero dahil isang Piolo Pascual ang nag-request, ayun, napagbigyan ang hiling.

    The rest was history, dahil sa number na yun with Piolo na obviously ay nagmarka, nakita ng mga taga-ASAP ang tunay niyang kakayahan, kaya simula noon, ayun, big entity na si Princess sa ASAP.

    Dami pang mga kuwento ni Princess, including yung interaction niya sa ibang regular sa ASAP. But we could see that in some instances medyo nagho-hold back siya. Ayaw na niyang magbigay ng komento. Except for the fact na sinasabi niyang wala naman siyang probema kaninuman sa grupo, we could sense na yung ibang tagaroon ay may kanya-kanyang problema with each other.  “Ako po, close sa lahat, wala akong pinipili,” sabi pa niya.

    Si Princess din ang nagbulgar na big crush pala niya si Jericho Rosales.  Kasi nga raw, napaka-friendly ni Echo at feel na feel ni Princess yung sincerity ni Echo in dealing with her o sa iba pang ASAP performers. Besides, talagang kilig na kilig daw siya kay Echo sa tuwing nakakasama niya.
    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here