Jennylyn Mercado ka-on na muli si Dennis Trillo

    418
    0
    SHARE

    Nagkabalikan na ba sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Marami ang nakakikitang lagi silang magkasama. For  info, dati na sila pero lumabo ang lahat.  Nagtatanong ang fans ni Jennylyn kung si Dennis Trillo raw ba ang kasama    niyang nag-wind surfing after  Christmas.

    Magkapareho ang pictures na pinost nila sa Instagram (IG), pero walang    picture nila na malinaw.  Iyong isang picture na magkasama sila, kuha sa ilalim ng dagat, hindi malinaw ang kuha, pero paniwala  ng fans, si Dennis ang kasama ni Jennylyn. 

    Anyway, tila walang pakialam si Jennylyn sa mga tsismis, in the same manner, tila walang panahon si Jennylyn Mercado sa haters, bashers at mga kumukuwestiyon kung bakit  siya ang nanalong best actress  sa 2014 MMFF.

    Nagpasalamat na lang ito sa mga nanood ng English, Only Please na   a last few days, humabol sa box-office.  Dedicated ni Jennylyn ang trophy niya sa “mga bakla” na isa sa tumatak  na dialogue sa movie nila ni Derek Ramsay. May eksena na tinuruan niya ng maling Tagalog si Derek at    ginamit ang “bakla,” nabugbog  tuloy ang karakter ni Derek. 

    Klik din sa moviegoers ang mga lines na “traffic sa  Edsa,” “maliit na bagay,” “kitakits beh” at ang “oo ako  na…” na isa sa mga rason sa curiosity ng tao na panoorin ang pelikula.  Samantala, kung pinatawa at pinakilig ni Jennylyn ang moviegoers sa English Only,

    Please, paiiyakin naman niya ang viewers sa GMA-7 primetime series na Second Chances. Gagampanan niya ang role ni  Lyra na  nawalan ng asawa at anak kaya puro drama ang kanyang mga eksena. 

    Kasama sina Camille Prats, Rafael Rosell,  Luis Alandy at Raymart Santiago at sa direction ni Laurice  Guillen, magpa-pilot ang Second Chances sa  January 12, 2015 after ng Once Upon A Kiss. 

    Robin Padilla makabayan

    Aliw na aliw kami sa mga Instagram posts ni Robin Padilla tungkol sa pagkamakabayan. Nag-uumapaw talaga ang  pagiging nationalistic niya at ewan kung nagpo-promote lang siya ng pelikula niyang Bonifacio:  Ang Unang Pangulo  o talagang dinibdib lang niyang masyado ang kanyang ginampanang papel sa movie. 

    Tulad na lamang noong Rizal    Day, last Dec. 30, talagang sunud-sunod ang post niya kasabay na rin ng pag-anyaya na panoorin ang kanyang  pelikula. Post niya, “Ang araw na ito ay ating yakapin at namnamin. Ngayon ay gunitain natin ang sakripisyo  at  kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

    Ating pong alamin ang pagiging magkaibigan at magkapanalig ni Rizal  at ni Bonifacio  a pamamagitan ng pagtangkilik sa Bonifacio ang unang Pangulo, panoorin kung paano  tinangkang itakas  ni Andres si Pepe mula sa kanyang kulungan. 

    “Malinaw po sa kasaysayan natin, hindi lamang isang beses na  tinangka ng Katipunan na iligtas si Dr.  Rizal. Isa ay sa barko na magdadala kay Pepe sa España, ang pangalawa ay  sa Bagong Bayan.  “Sa araw na ito dapat lulusubin na muli ng Katipunan ang sentro upang iligtas sa kamatayan si Dr. Jose Rizal, ngunit hindi pumayag si Rizal at ipinadala sa Cavite ang kanyang kuya na si Paciano Rizal upang awatin ang kanyang kaibigang si Bonifacio sa binabalak nitong rescue mission. 

    “Napakakulay ng pinagsamahan,  ibinuhay at ikinamatay ng ating mga Bayani. let us Honor them!!! Join  the Truth Revolution!!! Ipikit ang inyong mga  mata at buksan ang inyong mga isipan bayan!!!”  Kahapon ay may post na naman siya tungkol kay Jose Rizal.   

    Nagre-react siya dahil sa plano umanong  gawing parking lot ang Rizal monument sa isang lalawigan.  “Intelligence is   nothing without Love of GOD, Country and Fellowmen. Intelligence must be used for Patriotism not for misguiding,   disinformation and deception.

    When are we going to really embrace the teachings of Dr Jose Rizal? We all hate violence and rebellion but have we learned? Have we done something for the country? Are we really doing something good for other people?

    “I hope we are not just hiding behind our intelligence… pretending to be wise but  fools, acting brave but cowards… It makes me sick, watching elected officials undermining our founding fathers in the  fame of progress an development… Again we pray that our efforts will not be in vain and hope the majority of our youth does care about their future and their country,” post ni Robin.

    Pero ang natawa kami ay ang caption niya sa  picture ng mga anak na si Queenie, Kylie and Ali. “My children to the rescue!!! @queeniepadillarevert  @kylienicolepadilla @zherileen @alipadilla14 doing everything they can to cool down patriotism and poured me  everyday with family love and care!!!” ang caption ni Binoe sa larawan ng mga anak.

    Ha-ha-ha! Pero nakakatuwa ring hindi naman niya nakakalimutan ang asawang si Mariel Rodriguez dahil may mga sweet messages din siyang  pino-post para sa misis. Nag-post siya ng picture ni Mariel at nilagyan ng caption na “My eyes are only on you”.

    May  sa pa siyang pinost na picture ni Mariel kasama ang pamilya nito na may caption na “when  everything seems to be a  setback, I look at you, then I realized I already won!” At with matching background  music na Please Don’t Go.

    We  wonder kung siya talaga mismo ang nag-i-effort na maglagay pa ng music sa picture o pinagagawa  lang niya? Dahil  kung siya mismo, how sweet, ’di ba naman? Sa totoo lang, super-active si Binoe sa Instagram at nakakatuwa naman  dahil bihira kasi sa lalaki ang mahilig sa social media. 

    Andi Eigenmann pambato ng ABS-CBN 

    Bida si Andi sa Tragic Theater ng Star Cinema which will open January 8 in all cinemas nationwide. Kasama ni Andi   sina John Estrada at Boyet De Leon at tatalakayin ng movie ang malagim na Film  Center building incident noong  early 80s.

    We still don’t know kung ano ang magiging roles ng tatlo until  we see the movie.  But many know na itinago  a publiko ang tungkol sa insidente nuong panahong iyon. Puro urban  legends ang ang nalaman natin and we didn’t know kung true o hindi,  Now is the time to know what really transpired.

    Sa ngayon the Film Center stands   n the same ground. Very eerie ang kapaligiran nito at kahit  anong publicity machine ang gawin para pasikatin ito bilang venue ng mga malaking events tila walapa rin itong ningning. Siguro nga nakatatak na rito  ang  pagkamatay ng maraming buhay para lang  maitayo ito. 

    Going back to Andi Eigenmann tila isa siya pambato ng  ABS-CBN. She is one of those who shine the most dahil nga sa magaganda at seryosong projects na ibinibigay sa  kanya. Isa pa,  hindi siya nakamarka bilang love team at kaya  niyang magdala ng pelikula at teleserye. Kaya asahang   pakikipagtagisan siya sa iba  pang malalaking artistang kasama sa Tragic Theater.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here