JC De Vera umeksena sa publisidad ng movie nila ni Judy Ann Santos

    806
    0
    SHARE
    Bida sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo sa Hating Kapatid ng Viva Films. Sa kanila umiikot ang istorya at bale minor lang ang roles ng mga leadingmen ng pelikula. Pero sa kabila nito, gumawa ng kanya-kanyang eksena sina Luis Manzano at JC De Vera para naman kahit paano ay pag-usapan sila.

    Aba, kasama nga rin sila at hindi tama na maiwan sila sa publisidad ng movie na ito.

    Naiintriga nga ngayon sina Luis Manzano at JC de Vera dahil may isyung hindi raw binabanggit ng una ang pangalan ng huli kapag nagpo-promote ito sa mga  show niya sa ABS-CBN.

    Ang katwiran umano ni Luis, hindi nakalagay ang pangalan ni JC sa binabasa niya.

    Nang makausap namin si JC, kinunan namin siya ng reaksyon tungkol dito at ayon sa young actor, hindi rason ’yon.

    “Kasi ako, nagpa-plug ako sa TV5 na walang binabasa. Lahat naman (ng cast), nababanggit ko. “Pero ’yung sa akin naman, if ever na hindi talaga nababanggit ang pangalan ko, hindi naman importante sa akin ’yun, bayad naman ako, eh.

    “Parang ganu’n lang din naman sa akin ’yon, eh. As long as ginawa ko ang trabaho ko nang maayos, nabayaran din naman ako nang maayos. ’Yung mga billing, ’yung mga pagdating sa promotion na ganu’n, wala naman po sa akin talaga, eh. Parang waste of time lang kung gagalitin mo lang ang sarili mo,” pahayag ni JC.

    Wala naman daw talagang intriga sa pagitan nila ni Luis dahil okay sila although sa shooting, hindi sila masyadong nagka-eksena together.

    “Okay naman kaming dalawa, although hindi nga kami masyadong nagkasama, siguro bilang na bilang,  three times lang siguro kaming nagkasama sa eksena. So, wala naman, okay naman kami, eh.”

    Aminado siyang hindi siya nagkaroon ng time na mag-bonding pati na sa ibang artista dahil sa set, tahimik lang siya.

    “May sarili akong mundo ru’n sa shooting, eh, kasi everytime na magsu-shooting ako, galing ako sa isang taping, eh, kaya medyo puyat din ako, eh.

    “May sariling mundo ako, nandu’n ako, tulog lang, tapos kapag may eksena, du’n ko lang sila nakikita,” JC said.

    Samantala, masaya ang aktor na nakasama siya sa movie at naging leading man ni Judy Ann Santos. Finally, natuloy na rin na magkasama sila dahil matatandaang hindi siya natuloy sa seryeng Habang May Buhay dahil that time, nasa Siyete pa siya.

    Ayon sa young actor, malaking karangalan na mapasama sa pelikulang ito. Para sa kanya, one step higher sa career niya ang makasama si Juday.

    “Isang experience ito na talagang very memorable for me dahil hindi lahat ng mga kasabay ko sa showbiz, may chance na makasama si Juday. Kumbaga, nakaisa ako sa kanila, kaya very happy ako and very grateful,” pahayag pa ni JC.



    SHARE
    Previous articleSetting precedence
    Next articleDamn contractors

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here