Wala nang itinatago sina Jay-R Siaboc at ang girlfriend niyang nakasama sa first edition ng Philippine Dream Academy na si Irish Fullerton. Matagal din kasing itinago ng dalawa ang kanilang relasyon hanggang sa magdesisyon nga silang lumantad na.
Nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R at buong ningning niyang idinetalye ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanilang relasyon.
Mahal na mahal daw niya si Irish, ito raw talaga’ng nag-iisang babae sa buhay niya sa ngayon. Si Irish din daw ang dahilan ngayon ng lahat ng mga pagpupursige niya sa kanyang career bilang singer at aktor. “She is the source of my inspsiration, siyang natatangi sa puso ko at lahat ng mga pangarap na gusto ko pang tuparin ay sa kanya ko iniaalay,” maramdaming sabi pa ni Jay-R.
Matagal din daw silang naghirap ni Irish. ‘Yun bang matindi ang kanilang pinagdaanan dahil bawal pang isiwalat noon ang tungkol sa katotohanan ng kanilang relasyon. “Mahina ako sa math, hindi ko na makuwenta kung gaano na kami katagal. Ang imporotante, in all the years na kami, nagsalo kami sa hirap at kaligayahan dahil nga medyo mahirap ‘yung pinagdaanan naming dalawa. “Mahal na mahal naming ang isa’t isa pero hindi kami puwedeng lumantad. Ako naman kasi, naiintindihan ko noon na maraming plans sa amin ang management ko, so okey lang talaga na nagtatago kami. But you know, it’s not easy.
Nali-link ako sa iba pero siya talaga’ng love ko, siya naman, nililigawan nang hayagan ng iba pero wala akong magawa,” sabi pa niya.
Sa ngayon, may halong pagpapasalamat si Jay-R sa pambubuking sa kanila ni Kris Aquino sa isang episode ng Boy & Kris kung saan pareho raw silang nag-guest ni Irish. That time raw, alam naman ni Kris ang katotohanan sa kanilang relasyon, so Kris being the ‘tactless host’, sinabi nito ang totoo on air. “Actually, I liked what happened, parang blessing-in-disguise that we told the truth publicly nang magaan ang loob ko. Pakiramdam ko nga noon, malaki ang pasasalamat ko dahil kundi pa kami binuking ni Kris Aquino, baka ngayon, nagtatago pa rin kaming dalawa,” pagsasalasay pa ni Jay-R.
Pero inaamin ni Jay-R na talagang open secret naman ang relasyon nila ni Irish. ‘Yun ngang marami ang nakaaalam sa mga taong nakapaligid pero hindi nga nila maanim publicly ang lahat. At noong binuking na sila ni Kris Aquino, nagging magaan na’ng lahat. “Kami kasi, particularly ako, I was consulting my friends, my management, kung ano ang gagawin namin ni Irish, tingin ko naman, that time, okey lang na lumantad na kami at ‘yun na, si Kris Aquino ang naging dahilan.”
Kung totoo mang mahirap ang pinagdaanan nila ni Irish sa panahong nakatago silang dalawa sa lihim nilang pagmamahalan, may magandang sukli naman ‘yun sa buhay ni Jay-R. ‘Yun din kasi ang panahong malaki ang suporta sa kanya ng ABS-CBN. From a mere contest winner ng Philippine Dream Academy, ginawa nilang taga-maisnteam showbiz si Jay-R bilang isa sa mga principal actors ng naturang network. Hindi naman talaga biro ‘yung pagbibigay nila ng malaking break sa kanya. Nagkaroon siya ng exposure sa mga proyektong pawing malalaking artista ang kasamaniya. No less than Maja Salvador na itinuturing na most promising actress sa bakuran ng ABS-CBN ang ginawang ka-love team niya. Kumbaga, guaranteed na nga ‘yung napipintong kasikatan ni Jay–R. Isang importanteng proyekjto ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN as Kapitan Boom, and again, si Maja Salvador pa rin ang leading lady niya.
“Totoo po ‘yan, and for that, malaki talaga’ng pasasalamat ko sa lahat ng mga breaks na dumating sa akin. Nagpursige naman po ako at ipinakitang hindi naman sayang ‘yung effort nila para sa akin. Again, nagpapasalamat ako sa lahat ng suporta ng ABS-CBN sa akin,” seryosong salita pa ni Jay-R.
Sinagot rin ni Jay-R ang ilan pang principal intrigues na ikinabit sa kanya sa simula pa lang ng pagsabak niya sa mainstream. Although medyo may pakiusap si Jay-R na huwag nang pag-usapan ‘yung ilang intriga sa kanya, still game pa rin siyang sumagot sa mga tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ano ang pakiramadam niya nang akusahan siyang kabit ng isang maimpluwensiyang bading sa showbiz? Na kabilang nga raw siya sa mga lalaking tinatakan ng sinasabing maimpluwensyang bading?
Totoo bang dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Irish Fullerton, nagawa niyang talikuran ang sarili niyang pamilya sa Cebu?
At ano ang masasabi niya sa analysis ng ilan na siya ay nalaos na ang dahil nga masyado siyang nag-focus sa relasyon niya kay Irish na umabot pa raw sa paglili-live in nilang dalawa?
“Sanay na po ako sa intriga. Inaamin ko naming lahat ng mga intrigang ikinulapol sa akin, talagang nagdusa ako. But I learned to ward off nang unti-unti. Sabi ko, kung sasagutin kong isa-isa sng mga sinasabi nila laban sa akin, baka lalo lang nila akong idiin. Ako naman kasi talaga, sensitive sa ganyan, madaling maapektuhan, but I also learned how to ignore, ‘di ko na lang talaga pinapansin. Nalamlapasan ko naman. Una, hindi naman talaga totoo kaya walang dahilan para idepensa ko ang aking sarili.
Alam ko naman, from the start, merong ilang taong galit sa akin, for reasons I could not understand. Hindi ko talaga alam kung bakit sinisiraan nila ako. Pati pamilya ko nadamay pa sa mga walang kuwentang intriga na talaga naming hindi totoo.
“Hindi po kami nagli-live in ni Irish, while we are intensely in love with each other, pareho kaming may priority ngayon. We both want to pursue our careers. Minsan lang kasi dumating ang pagkakataong ganito kaya gusto naming samantalahin.
“Laos na raw ako, parang hindi ko nama nararamdaman. Hanggan ngayon kasi, andiyan ang suporta ng ABS-CBN sa akin. Wala pa akong ginagawa ngayon, pero ang alam ko, malapit na naming simulan ‘yung Sanlakas, ito ‘yung action series na pagsasama-samahin ang lahat ng mga character ng superheroes sa ABS-CBN at yung karakter kong Kapitan Boom ang magiging leader nila. With that, puwede bang sabihing nalaos na ako?
“Ang maganda talaga, nakapagpahinga ako, nawala ang stress sa lovelife at trabaho, I feel rejuvenated. Iam ready fot bigger things now. And most of all, I am inspired to bounce back. Ready na talaga ako for more things to come my way.
Sila na ba ni Irish Fullerton ang pakakasal sa pagdating ng takdang panahon?
“We both hope for that, nagmamahalan kami at may mga plano kami talaga that would certainly lead to marriage. But the time is not yeto now. Like I said, we set our priority at hindi pa po kasama’ng pagpapakasal samga plano naming ni Irish sa ngayon,.” pagtatapos pa ni Jay-R Siaboc.