Japanese nagpakitang gilas sa pagpinta sa saliw ng musikang Filipino

    287
    0
    SHARE
    BALIWAG, Bulacan — Isang Haponesang painter ang nagpakitang gilas ng kanyang talento sa pagpinta kasabay ng saliw ng Filipino folk music sa pagbubukas ng painting exhibit sa SM City Baliwag.

    Ito daw ay pagpapakita ng pagkakaisa ng kultura ng mga bansang Pilipinas at Japan. Ipinakita ni Atsuko Yamagato ang kanyang talento sa pagpipinta habang tumutugtog naman ang Bulakenyo musicians ng awiting gaya ng kundiman na nagbibigay inspirasyon daw kay Yamagato.

    Ang tawag daw sa kanyang uri ng artworks ay “Fragmented Histology”.

    Sa pinagsamang kultura ng dalawang bansa kung saan sa bansang Japan siya isinilang at ngayon naman ay sa Pilipinas siya naninirahan.

    Bukod doon ay gamit naman niya ang mga pahayagan sa pagpipinta sa gawa niyang tinawag na “Chiyogami.”,

    Bukod doon ay makikita din ang iba pang mga artworks ni Yamagato sa SM City Baliwag sa buong linggo bilang exhiit.

    Binigyang pagkilala din ng naturang mall ang Haponesa sa kanyang talento sa pagpipinta.

    Dumalo din si Deputy Head/Chief of Mission Consul General From the Embassy of Japan in the Philippines Tetsuro Amano sa naturang okasyon bilang pagsuporta sa pintor.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here