Janna ‘Bonana’ Dominguez artistang-artista na ang dating

    669
    0
    SHARE
    Kung kukuwentahin, sobrang laki ng pakinabang ni Janna ‘Bonana’ Dominguez, ang Fear Factor participant na kamuntik nang manalo ng dalawang milyong piso at isang Avida house and lot.  Artista na nga kasi siya, sa ngayon regular na si Janna sa Banana Split.  Naging regular din siya sa Eva Fonda pero ayan nga, isang magandang break pa’ng binigay sa kanya ng ABS-CBN.

    Nakausap naming si Janna sa taping ng Juicy noong isang araw at talagang nakita namin yung aura niyang artistang-artista na siya.

    Pagpasok pa lang niya sa dressing room ng Juicy, tumambad na sa amin ‘yung hitsurang tunay na artistang di na kimi, at kilala na ang mga taong dinatnan niya sa loob ng make up roon. Nakipagtsikahan

    siya agad kay Valeen Montenegro who like Janna is also guest that particular taping day.

    Kay Janna na namin nalamang September pa pala, nakauwi na sila from Argentina at kumbaga, ganoon nila katagal itinago yung lihim kung sino ang nanalo sa Fear Factor. “Kailangan po talagang ilihim, di puwedeng sabihin kahit na sa pamilya ko, pag nag-leak po kasi, idedemanda kami at limang milyon ang multa. Kay yung sinasabi nilang ipinagkalat ng nanay ko ang resulta, hindi po totoo yun. Sabi raw po ng nanay ko, ako ang nalalo which is hindi naman totoo,” paliwanag pa ni Janna.

    True, logic na lang, di ba? Bakit nga naman ipagsasabi ng nanay ni Janna na siya ang nanalo kung totoong hindi naman siya. Look, we are pretty sure, Janna’s mom knows the truth, hindi kami maniniwalang di sinabi sa kanya ni Janna, kaya imposible yung ang nanay niya’ng magsasabi sa mga taong ganoon, hindi po ba?

    Anyway, dun sa mga sumusubaybay sa mga kaganapan episode for episode sa Fear Factor, naniwala silang si Janna ang magiging winner. From start kasi, talaga namang potential winner si Janna dahil walang takot niyang sinuong ang maraming panganib. Dahil nakita ng viewers na determinado talaga siya, ayun, nag-conclude ang marami na siya na talaga.

    Pero nagging taliwas ang desysion,. Jommy won instead. Talagang kahit na ngayong matagal nang tapos ang contest, naiiyak pa rin si Janna dahil alam niyang malapit na sana siya sa dalawang milyon. Pero tanggap na niya, aba kung sinasabing napahagulgol pa siya, overacting na lang siya. Noong September pa nangyari yun at natural, naka- move on na siya.

    Especially nga, artista na siya ngayon at posibleng maging isang malaking artista dahil sa tipo niya. Hindi malayong mabigyan siya ng break ng ABS-CBn and when that time comes, pasalamat siya’t number 2 lang siya.

    Teka, nasaan na ba ang winner na si Jommy, wala naman, di po ba?

    By the way, pilit nga palang inili-link si Janna sa dalawang participant na sina Super Manuel at yung isa pa. Pero wala sa kanila’ng crush ni Janna. Higit daw niyang gusto si Jose, yung tinuklaw ng ahas. Meron daw something si Jose na talaga namang very desirable ito para kay Janna.

    Does that mean na may magandang nangyari sa kanila ni Janna sa mg a araw na naroon sila sa Argentina?

    Pakisagot nga, Janna!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here