Jackie Rice mang-aagaw, manunulot

    307
    0
    SHARE
    NAGULAT SI Jackie Rice nang tanungin siya sa presscon ng Panday Kids kung inagaw daw ba niya kay Lovi Poe ang role sa naturang fantaserye.

    “Naku! Hindi ko po sinulot si Lovi. Hindi ko alam na inalok pala itong role kay Lovi. Basta ang alam ko ay pinag-report ako. Nagundergo ng martial arts training at si JC de Vera ang makakatambal ko,” mabilis na esplika ni Jackie.

    Hindi naman daw niya balak sulutin ang anumang project ni Lovi. Naghihintay lang daw siya kung ano ang ibigay sa kanya ng GMA-7, bukod sa regular appearance niya sa Bubble Gang.

    Malaki rin ang paniwala ni Jackie na mauunawaan daw ni Lovi ang nangyari at walang sulutang nangyari.

    Well, malaki na nga ang ipinagbago ng showbiz careeer ni Jackie at todofocus na ang dalaga unlike before na parang naglalaro at hindi interesado sa mga ibinibigay na projects ng Siyete.

    Nang makatsikahan naman namin si Lovi Poe ay hindi rin nito alam kung bakit nawala at hindi natuloy ang role niya sa Panday Kids.

    Ang manager daw niya ang nakakaalam pagdating sa kanyang career at wala itong sinasabi sa kanya about Panday Kids na si Jackie Rice na ang gumaganap ngayon.

    Anyway, nawala man ang role niya sa Panday Kids ay naging masaya naman ang pagpunta
    niya kasama ang cast ng Walang Hanggang Paalam sa New York kung saan isinali ang kanilang movie nila sa First Soho International Film Festival at nagwaging Best Picture.

    Kasama ni Lovi sa affair si Ronald Singson, na natsi-tsismis na ipinalit niya kay Jolo Revilla, at nagsilbing escort niya sa nasabing affair sa New York.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here