Natigib ng luha yung interview ni Nay Cristy Fermin kay Ahron Villena sa ng segment ng Caught by Cristy noong Linggo sa Paparazzi. You see, very sensitive yung topic about Ahron.
Yung pag-iwan ng nanay niya sa kanya, and only after eighteen years sila nagkita sa Japan. It turned out, inalagaan si Ahron ng lolo’t lola niya’t sila na bale ang gumanap bilang mga amgulang ng guwapong aktor.
Nagkita ang dalawa sa Japan after eighteen years at nagging madula yung pagkikitang yun.
Naghiwalay silang muli at wala nang nabalitaan si Ahron sa nanay niya.
But life went on, sinuwerte naman si Ahron sa pag-aartista. Inalagaan ng ABS, lumipat sa GMA 7 and finally, nasa TV5 na dahil leading man siya ni Arci Muñoz sa Felina.
Anyway, mahusay talaga si Nay Cristy pagdating sa mga ganitong interview dahil pati audience, mga guests na reporters, staff ng show ay napaiyak sa parting nagkukuweneto si Ahron na namatay pala last year ang lolo niya.
Hindi na napigilan ni Ahron ang maiyak dahil mahal na mahal pala niya’ng mga matandang nagbigay pala sa kanya.
Umaasa pa si Ahron na lalo pang humaba ang buhay ng lola niya na siya na niyang katuwang ngayon para ituloy ang makulay niyang buhay.
Isa namang iyakan sa pagwawakas ng interview dahil si Nay Cristy naman pala ay may utang na loob na tinatanaw kay Ahron.
Nun palang nasa ospital ang nanay ni Nay Cristy, tumatawid from Trinity Collge si Ahron where he graduated and finished HRM, para alagaan ang nnay ng mabait na tv host.
“Nag-crack ang boses ni Nay at pati kami talagang halos mapahagulgol dahil dama naming ang pait na mawalan ng ina. Sabi ni Nay Cristy, “Ahron di ko makalilimutan yung ginawa mong yun.
Ngayon lang tayo nagkita, heto na nagpapasalamat ako dahil sa tratong ipinakita mo, hinding-hindi kita makakalimutan.”
So there!