Home Headlines Istraktura ng pagbibigas dapat baguhin, farmers coop palakasin

Istraktura ng pagbibigas dapat baguhin, farmers coop palakasin

736
0
SHARE
Si Bulacan 5th District Rep. Ambrosio Cruz, Jr. habang ipinapaliwanag ang magagawa ng mga farmers cooperative. Kuha ni Rommel Ramos

BALAGTAS, Bulacan — Para mapababa ang presyo ng bigas sa bansa ay dapat daw na baguhin na ang istraktura ng pagbibigas at igaya na sa ibang bansa na pinalakas ang mga farmers’ cooperative.

Ito ang pahayag ni Bulacan 5th District Rep. Ambrosio Cruz, Jr. kaugnay ng isinagawang inspeksyon kanina ng ilang mambabatas sa Intercity Industrial Estate sa bahagi ng bayan ng Balagtas.

Ayon kay Cruz, gaya ng mga bansang Vietnam, Thailand, Japan, at Korea ay dapat ng palakasin ang mga farmers’ cooperative sa Pilipinas na siyang magsisilbing forefront mula sa produksyon, warehousing, pati na sa marketing ng bigas.

Dapat aniya na magkakaroon ng farmers’ cooperative sa mga probinsiya, bayan o lungsod at kung maari ay sa mga barangay.

Paliwanag pa ni Cruz, kung magkakaroon ng model farmers’ cooperative mula sa ilang mga probinsya at maayos ang daloy nito ay maari na itong gawin sa iba pang mga probinsya ng bansa.

Sa gitna nito ay kailangan aniya na magkaroon muna ng isang polisiya na poprotekta sa mga magsasaka para hindi naman ito maabuso gaya ng ilang mga anumalya na kinasangkutan ng mga kooperatiba gaya ng fertilizer fund scam.

Para sa kanya, dapat na din na mawala ang mga middleman na siyang nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bigas na minsan ay mas malaki pa ang kinikita kaysa sa mga magsasaka.

Kailangan aniya na ang institusyon na mismo at istraktura ang mabago at

alam naman na ito ng Department of Agriculture.

Samantala, kanina ay nagsagawa nga ng surprise inspection sa mga ricemill at bodega ng bigas sa Intercity na pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdes, ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, Congresman Cruz, Congressman Mark Envarga, kasama ang mga kinatawan ng Bureau of Customs at Philippine Coast Guard.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here