Isabel Oli haharap na kina Paolo Contis at Lian Paz

    1344
    0
    SHARE
    Masakit para kay Isabel Oli yung pang-iiwan sa ere sa kanya ng dating boyfriend na si Paolo Contisd. Hindi naman ikinaila ni Isabel na sobrang galit niya kay Paolo that time pero aniya, kay Lian, wala naman siyang nagging galit and as a matter-of-fact, naka-move on na siya ngayon.

    On her recent interviews, very animated na si Isabel at malaya nang nagkukuwento tungkol sa past love niya.

    Kumpara nga noong bago palang ang mga pangyayari, pinagtataguan pa ni Isabel ang press dahil hindi raw siya handang humarap at magsalita tungkol sa kanyang kabiguan.

    Pero ngayon nga, nalimutan na niya’ng lahat at handa nang harapin sina Paolo at Lian.

    “Oo naman,” paniniguro niya. “Wala naman akong galit sa kanya o kay Paolo. I’ve moved on and there’s no bitterness in my heart.”

    ‘Di raw ba siya natatakot na isnabin lang siya ni Lian?  

    “Hindi naman siguro. I don’t think she’s like that. We have yet to formally meet, pero hindi naman kami magkaaway.”

    Ano na ang wish niya para sa love affair ng dalawa?   

    “Ano ba? Well, I just hope they’re happy and they’ll stay in love. Sana nga, sila nang dalawa talaga.”

    May bago na ba siyang love? Ito na ba yung basketball player na nali-link sa kanya?  

    “No. We’re only friends. Nakakahiya nga sa kanya he’s being dragged into this. Iniiwasan na rin naming magkita para hindi na kami matsismis. Also, I’m not ready yet to get into another relationship. Rest muna ako.”

    Ano ba’ng sikreto niya sa madaling

    paglimot sa kabiguan kay Paolo Contis? 

    “I think the key is in letting go. Kung wala na, di wala na. There’s no time to be lonely naman kasi I have my family and friends to keep me company. End of this month, I’m going to Boracay with some actress friends at five days kami roon.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here