Isabel Granada sobrang mukhang bata para sa mother roles

    252
    0
    SHARE

    Nakasama namin si Isabel Granada sa fiesta show sa Barangay Bulaon in the City Of San Fernando in Pampanga, noong June 13.  Kahit di na sanay sa mga ganitong lakaran, she obliged us with her presence na may tipong pakiusapan sa talent fee. Like the trouper that she is, pinasaya ni Isabel ang kapitana ng barangay na si Zenaida Bundalian na special request nga raw niya si Isabel. Bata pa raw si kapitana, fan na siya ni Issa at yun nga ang katuparan ng kanyang pangarap na makaharap ang kanyang idol.

    Anyway, mahaba-haba rin ang kuwentuhan namin ni Issa. Very smooth-sailing daw ang samahan nila ng husband niyang sa pangalawang pagkakataon ay konsehal sa siyudad ng Angeles. Ang tinutukoy namin ay si councilor Jericho Aguas na naging showbiz citizen din nong araw.

    Isabel is very happy and contented na talaga namang very proud sa achievement ng kanyang mister. They have a son Hubert who is now eight years old. Inaalagaan daw ito ni Mommy Guapa na sa kasakuyan, ay nag-i-stay sa bahay nila sa Heritage Village in Cutcut, Angeles City.

    “Parang ang dali lang ng panahonb,” quips Issa.  “Parang kailan lang po yung lagare tayo nang lagare sa mga shows, hindi na ako sanay, naninibago ako. But you know, this gigs give me a kind of high na talagang hinahanap- hanap ko, ito po ang talagang nami-miss ko,” sabi pa ni Issa.

    She lives like a queen now. Good provider naman si Jericho and they live life quite comfortably.  Pero hinahanap pa rin nga ni Issa ang daigdig ng showbiz kaya kahit paminsaa-minsan, naisisingit niya ang mga showbiz activities. Paborito siyang kunin para sa mga teleserye sa GMA 7 pero pinakahuli na niya’ng Panday Kids.  “Wala pa pong bagay na role, ako kasi mismo, choosy rin. Maraming offers pero di nagma-materialize.

    Pinakahuli nga raw yung mga offers for two networks, nanay daw sana ng papel niya at ok na rin yun sa kanya, but last minute, para daw awkward tingnan na the still young and fresh face that she is, di pa talaga puwede is Isabel sa mga mother roles.  Para nga namang di magiging credible na yung ganitong baby face siya, may anak na siyang dalaga sa isang palabas.

    Hindi pa talaga puwede yun.

    Hindi ba, Rommel Placente?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here