Home Headlines Ipinagmamalaking produkto ng NE tampok sa trade fair sa SM City

Ipinagmamalaking produkto ng NE tampok sa trade fair sa SM City

1629
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Mga produktong lokal ngunit de kalidad ang itinatampok ngayon sa isang trade fair na binuksan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa SM City Cabanatuan nitong Miyerkules.

Ayon kay DTI provincial director Brigida Pili, ang Taas Noo Novo Ecijano Trade Fair ay tatagal hanggang sa ikalawa ng Setyembre.

Nasa 33 lokal na negosyo ang kalahok na nag-aalok ng iba’t ibang paninda katulad ng pagkain, kasuotan, mga kagamitan, at dekorasyong pambahay. Ilan dito ay gawa pa sa recycled materials.

Pagtiyak ni Pili, lahat ng mga kalahok ay sumailalim sa sapat na pagsasanay ng mga ahensiya ng gobyerno kaya nakasisiguro ang publiko sa kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Suportado rin ng pamahalaang panlalawigan, provincial agrarian reform office, at Small and Medium Enterprise Development Council sa pangunguna ni Dr. Reynato Arimbuyutan ang aktibidad.

Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas sina provincial tourism offi cer Lorna Mae Vero, provincial agrarian reform offi cer Paro Joyce Ramones, Arimbuyutan at mga lider ng lokal na pagnenegosyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here