Malay natin, baka nasa isang tulad
Ng dating Pari ang babago sa lahat
Ng mga bagay na matagal nang dapat
Napalitang sistema ng pamalakad;
Na maaring hindi naisipang gawin
Nitong alin man sa nakaraan nating
Lider na ang higit binigyan ng pansin
Ay ibang klase r’yan ng ‘political will’;
Kung kaya’t hanggang sa sila’y magsibaba
Sa puestong sa atin ay hininging kusa,
Ay wala rin namang pinagbago yata
Liban sa ang bulsa ng iba’y tumaba!
(Na aywan kung sila’y pawang nakapulot
Ng ginto sa walang tigil na pag-‘abroad;’
Partikular itong panay ang ‘round the world,’
Imbes katungkulan ang haraping lubos.
Kaya nga’t bunsod n’yan ay natural lamang
Na ang pasanin ng ating Inang Bayan
Ay pabigat nang pabigat sa puntong yan
Kaysa kahit kaunti ito ay gumaan.)
Malay natin, baka sa kamay ng isang
Pari ang solusyon sa lahat ng bagay
Na di mabigyan ng tamang katugunan
Nitong pawa naman ding nakapagaral.
At nabibilang sa mga dalubhasa
O mga ‘doctorate’ sa ibang salita;
Pero nalunasan ba kahit bahagya
Ang malubhang sakit nitong ating bansa?
Kasi, ang pagiging eksperto ng tao
Sa kung ano pa mang klase ng opisyo
Ay di nasusukat sa kung anong kurso
Siya nagtapos sa alin mang kolehiyo;
Pagkat maraming di pormal na nag-aral
Itong kung minsan ay daig pa po niyan,
Ang ibang tama’t may kagalingan taglay
Pero natutulog lamang sa kangkungan.
Huwag tayong padala sa kung anu-anong
Ibinabato sa ating Gobernador,
Kundi manapa ang sariling opinyon
Ang pairalin sa ganitong situasyon.
Kung sa pananaw ng di natin ka-rehiyon
Ay magiging mabuting lider si Among,
Ano’t tayo pa itong kabalen ang mismong
Salungat sa dapat nating ‘PAGMARAGUL’?
Pagkat gaya nga po ng ating nasabi
Malay natin, baka kung ang Presidente
Ay manggagaling na sa grupo ng ‘Clergy’
May pagbabago na nang napakalaki?
At ang ika nga po ay sistemang bulok
Sa ating gobyerno’y tuluyang magamot
Sa kamay ng isang Paring tula ni Gob,
Partikular na r’yan ang pangungurakot.
Kasi malayo sa katauhan nito
Ang kagaya nitong ibang pulitiko,
Na ang ‘bulsikot’ lang ng ating Palasyo
Ang posibleng target kung kaya tatakbo!
Ng dating Pari ang babago sa lahat
Ng mga bagay na matagal nang dapat
Napalitang sistema ng pamalakad;
Na maaring hindi naisipang gawin
Nitong alin man sa nakaraan nating
Lider na ang higit binigyan ng pansin
Ay ibang klase r’yan ng ‘political will’;
Kung kaya’t hanggang sa sila’y magsibaba
Sa puestong sa atin ay hininging kusa,
Ay wala rin namang pinagbago yata
Liban sa ang bulsa ng iba’y tumaba!
(Na aywan kung sila’y pawang nakapulot
Ng ginto sa walang tigil na pag-‘abroad;’
Partikular itong panay ang ‘round the world,’
Imbes katungkulan ang haraping lubos.
Kaya nga’t bunsod n’yan ay natural lamang
Na ang pasanin ng ating Inang Bayan
Ay pabigat nang pabigat sa puntong yan
Kaysa kahit kaunti ito ay gumaan.)
Malay natin, baka sa kamay ng isang
Pari ang solusyon sa lahat ng bagay
Na di mabigyan ng tamang katugunan
Nitong pawa naman ding nakapagaral.
At nabibilang sa mga dalubhasa
O mga ‘doctorate’ sa ibang salita;
Pero nalunasan ba kahit bahagya
Ang malubhang sakit nitong ating bansa?
Kasi, ang pagiging eksperto ng tao
Sa kung ano pa mang klase ng opisyo
Ay di nasusukat sa kung anong kurso
Siya nagtapos sa alin mang kolehiyo;
Pagkat maraming di pormal na nag-aral
Itong kung minsan ay daig pa po niyan,
Ang ibang tama’t may kagalingan taglay
Pero natutulog lamang sa kangkungan.
Huwag tayong padala sa kung anu-anong
Ibinabato sa ating Gobernador,
Kundi manapa ang sariling opinyon
Ang pairalin sa ganitong situasyon.
Kung sa pananaw ng di natin ka-rehiyon
Ay magiging mabuting lider si Among,
Ano’t tayo pa itong kabalen ang mismong
Salungat sa dapat nating ‘PAGMARAGUL’?
Pagkat gaya nga po ng ating nasabi
Malay natin, baka kung ang Presidente
Ay manggagaling na sa grupo ng ‘Clergy’
May pagbabago na nang napakalaki?
At ang ika nga po ay sistemang bulok
Sa ating gobyerno’y tuluyang magamot
Sa kamay ng isang Paring tula ni Gob,
Partikular na r’yan ang pangungurakot.
Kasi malayo sa katauhan nito
Ang kagaya nitong ibang pulitiko,
Na ang ‘bulsikot’ lang ng ating Palasyo
Ang posibleng target kung kaya tatakbo!