MALOLOS CITY—Kayang igupo sa 2010 ang insureksyon sa Central Luzon, ayon Chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz, ang direktor ng pulisya sa rehiyon.
“I think it can be achieved,” ani Dela Cruz sa isang panayam patungkol sa deadline na itinakda na Armed Forces of the Philippines para tuluyang matigil ang insureksyon.
Ayon kay Dela Cruz, mula noong Nobyembre ay sunod-sunod ang matagumpay nilang operasyon laban sa mga rebelde na naging sanhi ng pagkaaresto o pagkapatay sa mataas na pinuno nito sa Bataan, Aurora ant Pampanga.
“They are demoralized due to our successful operations, sunod-sunod ang accomplishment namin in partnership with the Army’s Northern Luzon Command,” ani ng regional police director.
Binigyang diin din ni Dela Cruz na ang rebeldeng kasapi ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan (RHB) ay nabibilang na lamang ngayon sa mga pangkaraniwang bandido.
Aniya, ilan sa mga kasapi ng RHB na kanilang nadakip ay sangkot sa mga kaso ng pangingikil, holdap at maging sa mga kaso ng kidnap for ransom.
“Wala ng ideology sa kanila, dahil economics na ang kanilang interest,” aniya.
Sinabi niya na batay sa kanilang pag-aaral ng military history, ang pagtalikod ng mga rebelde sa kanilang ideolohiya ay isang daan patungo sa pagiging bandido dahil sa “nasanay sila sa baril at sa easy money through revolutionary tax.”
Matatandaan na noong 2006 ay pinangunahan ng ngayon ay retiradong si General Jovito Palparan ang dating commanding general ng 7th Infantry Division ang isang agresibong anti-insurgency campaign sa Central Luzon at mga bahagi ng Pangasinan.
Bago tuluyang magretiro si Palparan, ipinagmalaki niya na halos malumpo nila ang kilusang rebelde sa rehiyon dahil sa naputol nila ang pinagkukunan ng mga ito ng revolutionary tax lalo na sa Bulacan.
Ayon kay Palparan, ang karaniwang binibiktima ng mga rebelede sa Central Luzon ay ang mga namamalaisdaan at mga operator ng minahan kung saan ay halos P40-M ang nakukulektang revolutionary tax bawat taon sa lalawigan pa lamang ng Bulacan.