Inglesero ang anak ni Alma Morenoc

    415
    0
    SHARE

    ALIW NA ALIW kaming kausap si Mark Anthony Fernandez sa presscon ng Rhodora X dahil in English sinagot ang mga tanong ng press at may American accent pa.

    Sabi pa nito, mula bata pa siya, Inglisero na siya na kinontra ng press na nakakapag-interview sa kanya dati pa.

    Later on, sinabing na-develop ang pagiging Inglisero niya dahil sa inang si Alma Moreno na kilala sa barok English (word ito ni Mark). He has to study more and speak good English for her mother daw.

    Also, kailangan sa role niya sa Rhodora X bilang si Nico na owner ng ship magnate na Inglisero. Excited ito kung gagawing darker ang kanyang karakter sa primetime soap na magpa-pilot sa January 27 after Carmela sa direction ni Albert Langitan.

    Honored pala si Mark na nag-aartista na ang 12-year-old son niyang si Cameron na talent ng Star Magic at kasama sa Gimme Five group. Kamukha raw ni Rudy Fernandez ang anak na marunong kumanta at sumayaw.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here