CABANATUAN CITY – Ipinagtanggol ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Hermogenes Ebdane, Jr. ang pagpapalabas ng kontrobersiyal na ‘informercial’ at paglalagay ng billboard sa mga proyekto ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Si Ebdane, dating provincial commander ng nabuwag na Philippine Constabulary (PC) sa Nueva Ecija, ay nanguna sa shootfest ng Nueva Ecija Practical Shooting Association (NEPSA) sa lungsod na ito nitong weekend.
Ayon kay Ebdane ang mga infomercial ay bahagi ng tungkulin ng pamahalaan na ipabatid sa taumbayan ang mga programa at ginagawa nito.
“Pag pangit ang proyekto, alam kung sino ang sisisihin,” pagtatanggol ng kalihim.
Ang mga ‘informercial’ o patalastas sa radyo, telebisyon at diyaryo na nagpapahayag ng mga proyekto na napatunayang ginagastusan ng milyun-milyong pisong pondo ng gobyerno ay kasalakuyang iniimbestigahan ng Senado sa pangunguna ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Ipinalalagay ng oposisyong pulitikal na ginagamit ang salapi ng bayan sa di-makatwirang maagang pangangampanya ng ilang opisyal.
Bukod sa ‘infomercial’ sa radyo at telebisyon at mga pahayagan, mapapansin din ang mga billborad na kinalalagyan ng mukha ng mga opisyal, karaniwan ay miyembro ng gabinete, sa mga billboard ng pagawaing bayan at iba pang proyekto.
Itinanggi ni Ebdane na pamumulitika ang layunin ng mga informecial at billboard na ito. Siya, aniya, ay wala pang plano sa pulitika dahil wala naman siyang dugong pulitiko.
Sinabi niya na ang budget sa infomercial ay bahagi ng lahat ng proyekto. “Kaya kung may budget at walang ganito, mas kuwestiyunable,” dagdag niya.
Samantala, sa kanyang pagsasalita sa mga opisyales at miyembro ng NEPSA ay pinaalalahanan niya sila na maging mahusay sa paggamit ng baril. “We are trained how to use the guns so we may know when not to use it,” ayon sa kalihim.
Ang NEPSA ay pinamumunuan ni Rey Garcia at punong tagapangasiwa naman sa kumpetisyon si Kenny Bansale, pangulo ng Nueva Ecija Chamber of Commerce and Industry.