(Karugtong ng sinundang isyu)
Pagkat naturingan siyang signatory
Sa ‘council resolution’ na maging city
Itong Mabalacat, pero ang nangyari
Ay iba na ngayon itong sinasabi
At animo’y wala na siyang intensyon
Upang maging siyudad ang Mabalacat town
Gayon kabilang siya sa nag-lobby noon
Sa Congress at Senate para maisulong
At ma-apruban ang ‘council resolution’’;
And even was pictured with the legislators
Celebrating the bills that were approved thereon,
Ay kataka-takang biglang mag-‘ turned around’
O basta kumorba ng walang dahilan,
At/o ano pa mang posibleng sangkalan;
Kaya ang tungkuling marapat gampanan
Para sa bayan niya hinayaan na lang.
Kung saan ‘with his failure to present himself
At the SP on the calendared time and date,
Ang komite sa appropriation ng budget
Ay mapipilitan na lang na i-basket.
Ang ano pa mang karagdagang halaga
Sa yearly budget’ na dating nakukuha,
Kung saan sa puntong yan nawalan sila
Ng 26 million na pandagdag sana.
Na malaki-laking halaga rin naman
Upang magamit sa iba’t-ibang program
Ng Mabalacat kung nag-materialize yan
Sa pagtugon ni Vice sa dapat gampanan.
Kabilang na r’yan sa lubhang apektado
Ay ang selebrasyon ng tercentenaryo
Ng nasabing bayan, kabilang na rito
Ang aktibidad na gaganapin dito.
In relation with this town’s preparatory
Transformation into as component city,
Na tiyakang di man masyadong engrande
Ay posibleng dudumugin ng marami
Partikular na ng mga kaibigan,
Media people at iba pang bisita riyan;
Pagkat si Mayor Boking ay tunay namang
Malapit sa puso ng kanyang kabayan
With an inutile one like Vice Mayor Castro,
Mayor Morales had to intervene through
An appeal to the Board for a total renew
Of their proposed budget that seek approval, too.
Reconsideration, likewise is being begged
By all concerned to the provincial government,
As they could not afford to lose what they expect
To have this time the biggest they didn’t use to get.
Or else various projects in anticipation
Of the said eventual possible conversion
Into a component city, a frustration
And come to naught if no one shall take an action.
Pagkat kung sa isang gaya lang ni Castro
Na di maasahan sa tungkulin nito
Iaasang lubos ng Mabalaqueño
Ang pamamahala walang pag-asenso
Kaya para siya ay maging mayoral
Candidate o kaya posibleng material
Na maging aktibong isang Punongbayan,
Ngayon pa lamang ay etse puwera na yan.
At baka di basta na lang makahanap
Ang ‘electorate’ ng bayang Mabalacat
Na gaya ni Boking na sadyang malingap
At tunay naman ding malinis at tapat!!!