Home Headlines Ina, masaya sa pagbati ng mga anak sa Mother’s Day; resort dinagsa

Ina, masaya sa pagbati ng mga anak sa Mother’s Day; resort dinagsa

546
0
SHARE
Rosita Mercado at ilang kanak

SAMAL, Bataan: Masayang – masaya ang isang 78-taong gulang na biyuda sa ipinadaramang pagmamahal sa kanya ng kanyang pitong anak tulad ng pagbati at pagdadala sa kanya sa isang resort noong Linggo, Mother’s Day.

Sa tanong kung ano masasabi niya ngayong Mother’s Day, sagot ni Rosita Mercado: “Siyempre maligaya at saka ang mga anak ko talagang mababait sila. Maraming salamat sa ginagawa nila sa akin, maligayang- maligaya ako.”

Ang matandang babae na mula sa Barangay Mabatang sa Abucay, Bataan ay may pitong anak (dalawa sa Saudi, isa sa Florida, U.S.A), at apat sa Pilipinas, 22 apo at marami na ring apo sa tuhod. Yumao ang kanyang asawa noong 2010 na kung buhay pa ngayong Mayo 12 ay 80 taon na.

Sinabi ni Mercy Mercado, panganay sa pitong magkakapatid, na double celebration ang ginagawa nila nitong Linggo – bilang kaarawan ng kanilang namayapang ama at Mother’s Day.

Mercy Mercado, panganay na anak

“Si mother talagang napaka- special niya sa amin dahil kung hindi dahil sa kanya hindi kami makakarating kung nasaan man kami ngayon kaya mahal na mahal namin si mother,” madamdaming pahayag ni Mercy.

Ipinagdiwang ng magkakapatid, apo at ibang kaanak ang selebrasyon ng Mother’s Day sa Vangie’s Resort, isang inland resort sa gitna ng kabukiran sa Samal, Bataan.

Bahagi ng mga bisita sa Paran Resort

Samantala, dinagsa ng maraming bisita upang takasan ang matinding init ng panahon ang magandang Paran Resort sa Barangay Ibaba sa Samal, Bataan noong Linggo.

Puno ng mga taong kumakain at nagkukuwentuhan ang halos lahat ng open cottages sa palibot ng resort samantalang maraming naliligo sa mga swimming pool na ang isa ay may malaki at mataas na slide.

swimming pool sa Paran Resort

Tuwang-tuwa ang marami, lalo na ang mga bata, sa paglangoy sa maliit na swimming pool na may bubong at sa malaking swimming pool na may bumubugang tubig mula sa malaking tubo. (30)

Rosita Mercado, 78

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here