Home Headlines Ilang kalsada sa Meycauyan binaha

Ilang kalsada sa Meycauyan binaha

265
0
SHARE
Nagmistulang dagat ang MacArthur Highway sa bahagi ng Saluysoy dahil sa hanggang tuhod na pagbaha. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MEYCAUYAN — Lubog na sa baha ang ilan sa mga bahagi ng pangunahing kalsada dito dahil sa nararanasang mga pag-ulan na bunga ng habagat nitong Sept. 4.

Sa bahagi ng MacArthur Highway sa Barangay Saluysoy, pahirapan na sa mga maliliit na sasakyan lalo na ang mga motorsiklo.

Ilan sa dumaan dito ang tumirik sa gitna ng baha kaya inakay na lang ang motorsiklo.

Ang ibang motorista maging mga SUV ay bumabaling na lang pabalik.

Maging ang mga looban na kalsada ng Saluysoy, Calvario, Gasac, at Bayugo ay nagsisipaglakad na lang ang mga residente dahil wala nang pumapasok na mga sasakyan dahil may mga bahagi na hanggang hita ang lalim ng tubig.

Ayon sa impormasyon, kaninang tanghali nagsimulang maranasan ang pagtaas ng tubig sa mga nasabing kalsada 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here