Home Headlines Ika-125 taong kamatayan ni Rizal ginunita sa Bataan

Ika-125 taong kamatayan ni Rizal ginunita sa Bataan

1731
0
SHARE

Pinangunahan Mayor Jopet Inton ang paggunita sa ika-125 taon ng kamatayan ni Gat Jose Rizal. Kuha ng LGU-Hermosa


 

HERMOSA, Bataan — Ginunita ang 125-taong anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal sa iba-ibang bayan ng Bataan tulad sa bayang ito nitong Huwebes.

Pinangunahan ni Mayor Jopet Inton ang maikling programa at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal sa plaza ng Hermosa.

May tema ang paggunita ng “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay.”

“Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Hermosa sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak kasama ang inyong lingkod sa paggunita sa araw na ito upang pahalagahan at sariwain ang kabayanihan na nagawa ng ating pambansang bayani,” sabi ng mayor.

Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang konsehal, school principal, mga pulis, Hermosa marshal at department heads ng munisipyo.

“Sumasaludo tayo kay Gat Jose Rizal dahil sa kanyang kagitingan at ambag sa kalayaan ng ating bansa. Isang pagpupugay sa kanyang kabayanihan!,” sabi ni Inton.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here