Home Opinion Ibalik na dapat ang parusang bitay

Ibalik na dapat ang parusang bitay

795
0
SHARE

MULA nang alisin ang parusang bitay
ng dating Pangulong Gloria Macapagal,
kapansin-pansin ang biglang paglobo riyan
ng ‘heinous crime,’ lalo na ang panghahalay.

(Kung saan pati na mga batang paslit,
gaya ng ‘months old’ ay nagawa ng lintik
na ama pa mandin ng sanggol, na ireyp
ang anak kung takot mabitay ang ‘rapist?’)

O ‘yan bunga na rin ng lubhang talamak
na pagkagumon sa lubhang makamandag
na shabu’t iba pang pampalabnaw utak,
kaya nagagawa pati ang di dapat?

At d’yan naman tumatabo ng salapi
itong aywan kung sa ‘Custom’ may kakampi
at kasangga riyan kung kaya madali
ang magpuslit nito sa bawat sandali?

Ilang ‘Commissioner’ na itong nasipa
at napalitan ng iba, na gaya nga
ni Faeldon, Lapeña at ang bago yata,
Guerrero ang ngalan ayon sa balita.

Pero aywan lang kung tatagal sa puesto
si Sir ‘as BOC head in 6 months or so’
dala na rin nitong nagkalat na tukso
sa ahensyang iyan sa panahong ito.

Dala na rin nitong pagtalikod lang niya
ay hindi malayong may mailusot na
ng kahit na ano ang mga kasangga
nitong may negosyo ng bawal na droga.

Gayon din ang mga ‘importer’ ng ‘hot cars’
at iba pang uri riyan ng ‘contraband,’
na malingat lang ang sino pa mang bantay
ay napakadali nilang malusutan.

Kaya magpalit man nang kung ilang beses
ang ating kagalang-galang na President
ng iluluklok sa Customs ‘as chief or head,’
ya’y di basta matuldukan ng papalit!

At maging ang iba pang kriminalidad
na ngayo’y lubha na rin namang talamak,
iyan masasabi nating mas tataas
kaysa ngayon kundi masusog ang batas

Na maibalik ang ‘capital punishment
within the remaining 3 years more in office’
ng ngayon ay ating ‘incumbent president
Rodrigo Duterte’ – maisulong pilit.

Nasasaad sa Banal na Kasulatan,
na tanging Diyos lang ang may karapatang
bawiin ang buhay ng kanyang nilalang,
pero kung sobra na itong kasamaan

Ng malaking bilang at di na magamot
kumbaga sa sakit ang idinudulot
na pinsala riyan ng maraming hayok
(sa laman) ano’t di Niya ipahintulot?

Kaya panawagan ng masa sa Congress
gayndin sa ating nandiyan sa Senate,
at sa atin na ring mahal na President:
ang parusang bitay inyo nang ibalik!

Nang sa gayon itong mga sakdal sama
at mga wala ng kaluluwa yata
ay mahimasmasan at ikabahala
ang parusang bitay oras magkabisa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here