Hindi lang pala ang pekeng resolusyon
Paksa sa hearing in aid of legislation
Kung hindi pati ang matinding korapsiyon
Na talamak na sa bayan ng San Simon
Sa naging takbo ng hearing sa kongreso
Ay naungkat na rin ang ilang proyekto
Tulad ng tulay na nag-uugnay mismo
Sa Sta. Monica’t baryo Sto. Nino
Noong si Leonora Wong pa ang mayora
Tulay na nabanggit nagka-ground breaking na
Noong june 25 year 2019 pa
At awarded na sa isang kontratista
Ibig sabihin ang nasabing proyekto
Ay lehitimo ang mga dokumento
May kasunduan na at ito’y pirmado
Na binubuo ng dalawang partido
Subalit sa hindi malamang dahilan
Ang kontratista ay biglang napalitan
Kung ano’ng rason kung bakit nagkaganyan
Hindi malinaw ang naging kasagutan
Nitong chairman ng Bids and Award Committee
Na di alam kuno kung anong nangyari
Ibig pa yata niyang ipukol ang sisi
Sa dating. mayorang kasama niya dati
Pati mga lupang binili sa Reyes
Ay naungkat na rin sa hearing in congress
Dapat ang titulo raw ay annotated
Sa RD at walang notice of LIS PENDENS
Maging ang proyekto nitong NGCP
Na may kapasidad na 230 KV
Hindi itinuloy at walang nangyari
Dahil kinasela daw ni mayor JP
Ano ang dahilan bakit pinatigil
Ang proyekto sanang magbibigay sa’tin
Ng sapat na supply na kuryente natin
Na magreresulta ng mababang singil
Kung ano ang tunay na kadahilanan
Sa mga ginawa nilang kabuktutan
Hindi magluluwat mga kababayan
At mabubunyag din ang katotohanan
Lalo na at ito’y nasa kongreso na
At mahuhusay ang mga kongresista
Tulad ni Fernandez, Acop, Marcoleta
Chairman paduano at marami pang iba
Sana makasuhan lahat ng kasangkot
Sa karumal-dumal na pangungurakot
Sakaling ang kaso sa korte umabot
Sa kulungan sana sila ay mabulok
Dahil kahit sila ay tinutuligsa
Ng mamamayan ay tila bale-wala
Nagagawa pa ring makisalamuha
Sa tao, sa sobrang kakapal ng mukha
Kaya’t upang sila ay di pamarisan
Ng katulad nilang mga lingkod bayan
Kung di man maghimas ng rehas na bakal
Dapat sibakin na sa panunungkulan