BATID na ng halos otsenta porsyento
ng nakakarami ding nasa gobyerno,
na ang pangulo ay isang abogado,
pero sa batas ay mukhang di experto.
Gaya na lamang ng kanyang iniatas
na dakpin ang hindi sumunod at sukat
sa ‘self proclaimed’ nito na bawal lumabas
ang di bakunado – hindi nararapat.
‘As it’s against RA 11525’
itong pinagkunan nating di ‘mandated’
ang kautusan na dapat ‘vaccinated’
muna tayo ‘before we can travel outside’.
May hinuha tayo na hindi gaanong
maalam sa batas ang administrasyon
kung kaya marahil di napapagtantong
mabuti ng iba ang maling pagtugon?
Sa ‘health care’ lalo na, ang ilagay dapat
ay yaong talagang mahusay gumanap
ng takdang tungkulin at di ang katulad
nitong basta na lang n’yan isinasalpak.
Tunay kayang isang dalubhasang doktor
ang sa DOH ay pinuesto ni Digong?
Na gaya ni Duque, kung ito’y pasadong
Physician o manggagamot ng kalabaw?
Buhay ng tao ang nakasalalay d’yan
‘for being a health Sec’ kaya di kailangan
ang Engr., Teacher o kaya Accountant,
kundi nang nagtapos sa dapat kalagyan.
(May Franciso Duque tayo r’yang na- ‘research’
sa Google, but his age is now at 106’
kaya imposibleng si Kiko, kapatid
itong sa Internet ating nasaliksik.
Sir Duque III, kung itong propesyon mo
ay ‘legacy’ mula kay Tatay, kay Lolo,
sana itong hiling na pagbibitiw mo,
mabigyan ng pansin para sa publiko).
Ang dami na kasing ang tiwala nila
sa’yong kakayahan at pagpapakita
ng kapalpakan ay dapat ‘resigned’ ka na
nang di lumaki ang pinsala kumbaga).
At ang pikit-mata na pagsunod pa rin
sa pina-iiral ng ating butihing
Pangulo, ilagay sa tamang lugar din
at di sa paraang ang ayaw ay dakpin.
Sa January 30, ako’y 84 na
at pamamahayag para rin sa tuwina
ang sa araw-araw ay ginagawa pa –
lumabas ng bahay – sa work ya’y kasama.
Tapos pagbawalan n’yo akong lumabas,
kahit na ka-‘face shield’ sala naka- ‘face mask,’
at isa rin sa di nagpa-‘vaccine’ pagkat
ayaw kong ‘madedbol’ nang wala sa oras.
Gaya ng ‘brother’ ng butihin kong misis,
na binakunahan ng araw ng Lunes,
bago sumikat ang haring araw, Mierkoles
namatay si bayaw ng ni walang sakit!
(Di sa ako’y duwag – pero ang danasin
ang ganyan ay di ko isugal ang akin!)