‘Hospital staff,’ ang sisihin dapat

    399
    0
    SHARE

    KARUGTONG NG SINUNDANG ISYU)

    OKEY LANG sana kung sila ay pumayag
    Na hindi ko muna babayaran lahat,
    At pagbalik – sabay sa araw ng ‘check up’
    Ibigay ang kulang o magiging ‘balance’

    Pero hindi naman sila tumatanggap
    Ng ‘promissory note’ ayon sa pahayag
    Mismo nitong may pagkukulang na staff,
    Kaya kung di ako nagpigil, at agad

    Naisip ilapit yan sa otoridad
    O pulis ng nakasasakop na siyudad
    Para mamagitan upang di lumawak
    Ang umiinit nang aming pag-uusap

    Nitong nasa ‘billing section’ ng ospital,
    Na anhin ko man yatang paliwanagan
    Ay baka humantong yan sa maa-anghang
    Na salitang hindi gawa ng nag-aral.

    Nang di n’yan masakyan ang kadahilanan
    Kung bakit di puede gayong may paraan
    Na makalabas sa naturang ospital
    Lalo pa’t noon ay December 31

    At holiday bukas, kaya nananabik
    Na makauwi ang anak kong maysakit
    Upang sama-sama kami sa pagsapit
    Ng Bagong Taon sa aming munting langit.

    Kaya nga kung hindi kami papayagan
    Na makalabas n’ung December 31,
    Nang dahilan lang sa naging kapalpakan
    Ng kanilang staff… na sila rin naman

    Ang puno’t dulo ng ganyang pangyayari
    Posibleng pati na ang CEO pati
    O ang Director mismo ng Makabali,
    Ay nalapitan ko upang di tumindi

    Ang hindi namin pagka-kaintindihan
    Sa ninanais kong aminin sa’kin niyan
    Na sila talaga ang may pagkukulang
    Kung kaya humantong sa puntong naturan.

    Buti na lang para pala sa isang doctor
    Na si Cabantog ang bill na inihabol;
    Kaya tinawagan ko nang oras na iyon
    Upang matapos na ang aming diskusyon

    At pumayag naman si Dr. Cabantog
    Na pagbalik na lang saka ko iabot
    Sa kanya ang ‘balance’ total di pa tapos
    Itong sa anak ko kanyang panggagamot.

    Sa pangkalahatan lalo’t sa Medical
    Na serbisyo nitong nasabing ospital,
    Sila ay tunay din namang maasahan
    Pagkat masisipag at mababait yan

    At ang tangi lang na di ko mapupuri
    Ay itong kung sinong nurse na naka-duty
    Ang dapat maglagay ng label sa bote
    Ng ‘specimen’ ng kanilang pasyente

    Na pinadadala sa laboratory
    Ng Mt. Carmel para ipasuri pati;
    Dahilan sa naging biktima rin kami
    Ng kapalpakan n’yan sa tuwirang sabi;

    Pagkat di tinanggap dito sa Mt. Carmel
    Itong dala-dala naming ‘specimen’
    Na dapat suriin dahil walang ‘label’
    Ang garapa… kaya ‘twice’ kaming nag-travel

    Nang pabalik-balik para lamang dalhin
    Ang specimen na kailangang suriin;
    Kung si ‘yours truly’ ang ating tatanungin
    ‘Hospital staff’ ang marapat sisihin!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here