Categorical ang pagbalita sa radio, TV at tabloid na ninakawan ng pera sa bangko ng asawang si Raymart Santiago si Claudine Baretto.
Yung iba naman, may opinyon pang hiwalay na sina Raymart at Claudine at sa kasalukuyan, talagang nag-aagawan na sila sa kanilang conjugal properties. Base raw kasi sa mga nangyayari, puwedeng mag-one plus one na magulo ang buhay ng dalawa.
At heto ka, kalat, na lulong sa mga bisyo si Claudine at isa sa mga bisyong ito ay ang pagsusugal. Na malapit na nga raw maubos ang kanyang pera kaya aligaga itong kunin na sa bangko. And for the information ng di pa nakaalam, dati na yung usaping hiwalay na na’ng dalawa, pero nakagawa nga ng paraan para ayusin ito.
Di nga ba, kung kaninong lalaki na na-link si Claudine in the past?
Remember yung tsikang di umano galing kay Angelica Panganiban na may ibang lalaki nga si Claudine. Bukod pa yung lalaking may kinalaman sa gambling na na-link sa kanya kailan lang. Do you still remember? We do!
Heto naman ang latest, ‘yung nakawan ek ng pera sa bangko di umano ni Raymart kay Claudine.
Hindi raw napigilan ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang emosyon nang magkaroon umano ng aberya habang nagwi-withdraw siya ng pera sa isang bangko. Diumano’y nawala na lang bigla ang perang wini-withdraw niya kahit wala pa siyang nakukuha.
Sa isang report para sa isang TV network, galit na galit daw si Claudine nang datnan nito ang aktres sa isang bangko sa Quezon Avenue sa Quezon City.
Kasama ng aktres ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan. Maririnig sa video ang mataas na boses ni Claudine na nagsasabing, "Nasaan na yung pera… ngayon wala na!"
Kuwento ng mga nakakita, bandang alas-dose ng tanghali raw kanina nang dumating sa bangko sina Claudine at Atty. Maranan para mag-withdraw.
Nakumpirma pa raw ng dalawa kung magkano ang balanse sa account. Pero inabot na raw ng mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin nakukumpleto ang proseso ng pagwi-withdraw.
Hanggang sa sabihan na lang daw sila na wala na raw ang inaasahan nilang balanse sa bank account.
Nang makausap ang abugado ni Claudine, ayaw nitong magsalita. Ang tanging kinumpirma niya ay na-withdraw na raw ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.
Sinubukang tanungin si Claudine kung ano ang nangyari, pero umiiyak nitong sinabi na, "Tanungin n’yo na lang yung lawyer ko, please."
Sinabi ng abugado, "Draw your own conclusions, pero the timing ‘no? …It was withdrawn at the time we were here, [when we were] asking to withdraw it. We were here for more than 30 minutes.
I was able to confirm from the teller that the funds were still there. And then suddenly, about 40 minutes or 30 minutes later, wala na yung funds."
Napag-alaman na ang nawawalang pera ay galing sa joint account ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago. And/or ang naturingang bank account. Ibig sabihin, kahit isa lang sa mag-asawa ay puwedeng mag-withdraw ng kanilang pera.
Ayaw namang magkomento ng bank manager nang hingan ng panig.
So there!