Hindi pa kasali ang kasalan sa plano nina Shaina, Angel, Bea at Toni

    328
    0
    SHARE

    Apat na bigating aktres ang bida sa Four Sisters and a Wedding na sina Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Angel Locsin and Bea Alonzo kaya naman sa presscon na ginanap last Sunday ay kulitan talaga lalo na ’pag napag-uusapan ang love life.

    As we all know, sina Angel, Toni and Bea ay pawang mga successful ang love life ngayon at lahat ay nasa tamang edad na para mag-asawa.

    In fact, sa interviews ay ito parati ang natatanong lately sa kanila kaya curious ang lahat na malaman kung sino ba ang mauuna sa kanila.

    Sa part ni Bea kung saan kinuha na niyang wedding singer si Toni, naitanong kung nag-propose na ba si Zanjoe Marudo.

    “Wala pa naman.”

    So, may chance pa na mabago ang groom?

    “Sana, hindi na.”

    Si Angel naman, aniya ay baka naman daw ma-pressure si Phil Younghusband na boyfriend niya kapag nalaman ito dahil wala pa rin naman daw silang plano.

    “Sa tingin ko ang mauuna sa amin talaga, si Toni, tapos si Bea,” she said.

    Say pa ni Angel, napag-usapan na raw nilang apat kung ano ang magiging set-up ng kasal nila kung sakali, pero sa kanila na lang daw ’yun.

    Si Shaina naman ay walang love life ngayon kaya lalong malayo pa sa isip niya ang kasal.

    Kasal talaga ang isa sa napag-usapan sa presscon dahil nga sa titulo ng movie na Four Sisters and a Wedding.

    Cute at nakakaaliw ang trailer ng movie. First time na magkakasama-sama ang apat na aktres kaya mukhang masarap ngang panoorin. Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, showing na ang movie sa June 26.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here