Ipagpalagay nang hindi nasasaad
Ang bagay na ito sa “Fair Election Act;”
Por delikadesa… siya itong dapat
Maging uliran sa paningin ng lahat;
At nang pamarisan ng mga “appointees”
Ang pagpaparaya ng “Executive Chief,”
Na di man atasan ay kusang aalis
Sa puesto, matapos mag-“file” ng COCs.
Dating kalakaran na yan sa lahat na
Ng mga “cabinet members” at iba pa,
Na bago maghain ng kandidatura
Ay “resigned” na dapat sa posisyon nila.
Pero ng dahil sa ang Pangulo mismo
Ay ayaw bumitiw sa hawak na puesto,
Di kaya ang mga Secretaries nito
Ay gustong gayahin ang ganyang estilo?
Na di man labag sa panuntunang batas
Ay may kapintasan namang kaakibat;
Pagkat “abuse of power” ng matatawag
Ang ganitong sistema sa Pilipinas.
Gaya na nga nitong pagtakbo niya ngayon,
Na bagama’t marami ang tumututol;
At labag din naman yan sa Konstitusyon
Base sa Article 7, sa Section 4;
Pero nag-“ruling” ang pinakamataas
Na tribunal hinggil sa naturang batas,
Na umano’y wala siyang anumang nilabag,
Kaya hayan… tuloy sa pamamayagpag!
At pangangampanya ang atupag nito
Sa nililigawan niyang ka-distrito,
Gayong mas kailangan siya sa Palasyo
Upang harapin ang hinaing ng tao;
Gaya na lang nitong problema sa tubig
Ng nakararami nating magbubukid,
Dulot ng El Niño o ng sobrang init,
Ya’y isa ilang mga “priorities”
Na dapat tutukan ni Ginang Arroyo,
Pero ng dahil sa siya’y kandidato,
Ay napabayaan na nga niya ng husto
Ang dapat gampanan niya bilang Pangulo.
Na ayaw naman niyang isalin po yata
Sa Bise ang ganap na pamamahala,
Gayong si Kabayan ang dapat ika nga
Na makakapalit kung siya ay wala.
Total manalo o matalo sa laban
Ay patapos na rin lang sa puestong tangan,
Bakit di lang niya iatang sa kamay
Ng Bise ang natitirang ilang buwan?
(Upang maranasan naman ni de Castro
Kung ga’no kasarap ang maging Pangulo;
At magampanan n’yan kahit papaano
Ang iba pang dapat gawin ni Arroyo)
Na nangangailangan ng matamang pansin,
Gaya ng problema dito sa matinding
Tag-tuyot, kung saan di lamang pananim
Ng magsasaka ang apektado mandin.
Kundi pati na ang industrya’t komersyo,
Bunsod ng “brown out” na kaakibat nito;
Na di na maharap ng ating Pangulo,
Pagkat abala siya bilang kandidato.
Kung saan ang tunay na apektado riyan
Ay ang epektibong serbisyong pambayan
Ni Mam at ng ibang halal na opisyal
Mapa’ lokal man o maging sa nasyonal.
Ang bagay na ito sa “Fair Election Act;”
Por delikadesa… siya itong dapat
Maging uliran sa paningin ng lahat;
At nang pamarisan ng mga “appointees”
Ang pagpaparaya ng “Executive Chief,”
Na di man atasan ay kusang aalis
Sa puesto, matapos mag-“file” ng COCs.
Dating kalakaran na yan sa lahat na
Ng mga “cabinet members” at iba pa,
Na bago maghain ng kandidatura
Ay “resigned” na dapat sa posisyon nila.
Pero ng dahil sa ang Pangulo mismo
Ay ayaw bumitiw sa hawak na puesto,
Di kaya ang mga Secretaries nito
Ay gustong gayahin ang ganyang estilo?
Na di man labag sa panuntunang batas
Ay may kapintasan namang kaakibat;
Pagkat “abuse of power” ng matatawag
Ang ganitong sistema sa Pilipinas.
Gaya na nga nitong pagtakbo niya ngayon,
Na bagama’t marami ang tumututol;
At labag din naman yan sa Konstitusyon
Base sa Article 7, sa Section 4;
Pero nag-“ruling” ang pinakamataas
Na tribunal hinggil sa naturang batas,
Na umano’y wala siyang anumang nilabag,
Kaya hayan… tuloy sa pamamayagpag!
At pangangampanya ang atupag nito
Sa nililigawan niyang ka-distrito,
Gayong mas kailangan siya sa Palasyo
Upang harapin ang hinaing ng tao;
Gaya na lang nitong problema sa tubig
Ng nakararami nating magbubukid,
Dulot ng El Niño o ng sobrang init,
Ya’y isa ilang mga “priorities”
Na dapat tutukan ni Ginang Arroyo,
Pero ng dahil sa siya’y kandidato,
Ay napabayaan na nga niya ng husto
Ang dapat gampanan niya bilang Pangulo.
Na ayaw naman niyang isalin po yata
Sa Bise ang ganap na pamamahala,
Gayong si Kabayan ang dapat ika nga
Na makakapalit kung siya ay wala.
Total manalo o matalo sa laban
Ay patapos na rin lang sa puestong tangan,
Bakit di lang niya iatang sa kamay
Ng Bise ang natitirang ilang buwan?
(Upang maranasan naman ni de Castro
Kung ga’no kasarap ang maging Pangulo;
At magampanan n’yan kahit papaano
Ang iba pang dapat gawin ni Arroyo)
Na nangangailangan ng matamang pansin,
Gaya ng problema dito sa matinding
Tag-tuyot, kung saan di lamang pananim
Ng magsasaka ang apektado mandin.
Kundi pati na ang industrya’t komersyo,
Bunsod ng “brown out” na kaakibat nito;
Na di na maharap ng ating Pangulo,
Pagkat abala siya bilang kandidato.
Kung saan ang tunay na apektado riyan
Ay ang epektibong serbisyong pambayan
Ni Mam at ng ibang halal na opisyal
Mapa’ lokal man o maging sa nasyonal.