Pinangunahan ni Mayor Ana Santiago ang pinakahihintay na sandali sa saliw ng mga Christmas carols na nagdulot ng matinding kasiyahan sa lahat bata o matanda man.
Bago ilawan ang mga Christmas décor, patok na patok ang maikling stage play na nagpakita ng galing ang isang kunwa’y matanda, kunwa’y magsing-irog na nanabik sa isa’t-isa at mga carolers
Sa background ay waring may nagluluto ng bibingka at puto bumbong na karaniwang makikita sa Bataan sa buwan ng Disyembre bilang hudyat na malapit na ang Pasko.
Hindi nagtagal, biglang kumindat-kindat ang magagandang ilaw ng higanteng Christmas tree na sa katabi nito ay umiindak ang isang replica ni Santa Klaus. Kasabay na lumiwanag ang “belen” sa itaas ng stage at ang tatlong maliliit na Christmas tree sa ibabaw ng waiting shed na binabantayan ng tatlong dalagitang nakasuot Santa Klaus at sumasayaw.
Sa terrace ng second floor ng Abucay municipal building, pinalakpakan ang mga batang hawak ang nakasinding kandila habang may isang umaawit.
Kasabay na nagsindi rin ang mga ilaw sa tila naglalakihang kandila sa harap ng pinakamatandang simbahan sa Bataan, ang Abucay church, kung saan makikita ang rebulto ng isang sundalong Pilipino noong World War II.
Sumabay ding nagsabog ng liwanag ang century-old acacia tree at iba pang Christmas lights sa tapat ng munisipyo.